Nagising si Hope kinabukasan dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya na lumulusot sa malaking bintana. Agad siyang napangiwi nang maramdamang masakit ang buong katawan lalo na sa pagkakababae niya. Her face heat up when she remembered what happened last night. Tumingin siya sa kanyang tabi. Inaasahan niyang nandito pa si Zane pero wala naman ito. Kumunot ang nuo niya. Saan naman kaya 'yun nagpunta? Nang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at pumasok ang nakangiting Maxine. "Hi." Nakangisi nitong bati. Agad niyang tinakpan ang mukha niya. "Oi,huwag mo ng takpan ang mukha mo. Pinagdaanan ko rin 'yan." Sabi nito at umupo sa kama. May inilapag itong damit sa kama. "Pinasuyo sa akin ni Zane. Sa akin ang mga 'yan,hindi ko pa nagagamit ang mga 'yan kaya sa

