"A-anong ibig mong sabihin na hindi babae ng Kuya mo si Faith?" kuno't ang noo na tingin dito. "By the way paano mo pala nalaman na-" putol na wika nang sumabad si Dania. "He calls me at sinabing nakita mo raw si Faith sa kaniyang condo," anito na mas lalong kinakunot ng kaniyang noo. "Wait, alam mong nasa condo niya si Faith na iyon?" maang sa kaniyang hipag. Tumingin sa kaniya si Dania. Tila nangungusap ang mga maga pero hindi nagsalita at nakitang naglakad ito patungo sa kanilang maluwag na sala. Sinundan ito at doon ay muli itong lumingon sa kaniya. "Hindi ko talaga alam na nasa condo ni Kuya si Faith. Tumawag lang si Kuya at nakiusap na kausapin ka tungkol sa nakita mo sa condo niya. Hindi niya babae si Faith," ulit nito. Hindi pa rin siya naniniwala bagay na napansin ng kaniyang