Matapos makipag-usap ni Darius kina Mr. Galvez at sa dalawang lalaki ay napilitan siyang sumaglit muna sa kaniyang opisina dahil naroroon daw si Mr. Jaime Guanzon, ang may-ari ng Purity Enterprise. Pagpasok sa kaniyang opisina ay agad na bumungad ang kaniyang sekretarya. Tahimik ito at tumingin lamang noong pumasok siya. "Good morning Sir, Mr. Guanzon is in you office," pormal na turan nito. "Thank you," tugon saka mabilis na dumeretso sa kaniyang office at doon ay nakitang nakatingin ang lalaki sa ilang paintings at plaque of appreciation para sa kaniyang kompaniya. Agad itong lumingon sa kaniya at ngumiti. "Good to see you, Mr. Mauritius. Sorry, if I came here without a prior appointment," hingi nito ng paumanhin. Tinungo ang kaniyang desk at nakitang papalapit din si Mr. Guanzon