“AYAW kong magalit at magkaroon ng hinanakit sa mga taong malapit sa akin. Hindi ako bayolenteng tao, pero nauubusan ako ng pasensiya. Siguro naman hindi ko nakailangang limusin ang respeto mo sa akin bilang asawa mo. Hindi sa sinasakal kita, ang gusto ko lang sana ay bigyan mo ng privacy ang marriage natin, kahit apurahan,” sabi ni Devey, habang patuloy sa paghaplos ang mga kamay nito sa katawan niya. “Alam mong hindi ko ito pinangarap, Devey,” aniya. “Hindi lahat ng pangarap natutupad, Ella, lalo na kung ito’y imposible,” supalpal nito. He’s always like that though. “Kalimutan mo na ang mga ambisyon mo’ng nagpahirap sa iyo. Hindi man ako ang pangarap mo, kaya kong ibigay sa iyo ang pangarap na hindi kailangang hingin at pagsumikapan. Hindi lang si Jero ang kayang protektahan ka at pasa