MADALAS umaalis si Devey kaya hindi nagkaroon si Ella ng pagkakataon na mausig ito tungkol sa problema nito. Nang gabi na umuwi ito ay sinubukan niya itong kausapin ngunit maaga itong natulog. Awang-awa siya sa kanyang asawa habang pinagmamasdan itong mahimbing ang tulog. Malaki ang ipinayat nito. Hindi na ito nakapagbihis, marahil ay dahil sa pagod. Dahan-dahan niya itong binihisan. Pagod na pagod talaga ito dahil kahit anong alog niya sa katawan nito ay hindi ito nagigising. Kahit minsan ay naiinis na siya dahil halos wala na itong oras sa kanya, hindi pa rin niya ipinapahalata rito na nagtatampo siya. Iniintindi na lang niya ito dahil alam niya na para sa kanya rin naman ang paghihirap nito. Ang maiaambag lamang niya ay ang alagaan ang kanilang anak at magdasal. Kinabukasan paggising