“Did you receive the email from Atty. Lucero?” Zachi asked Ivo. Kasalukuyan siyang nagtutuyo ng buhok habang nakaharap sa kanyang dresser. Nasa condo niya sila ni Ivo at patulog na. Nasa kama na ang lalaki habang siya ay nagsi-skincare at kaharap ang kanyang iPad. Huminga siya nang malalim at tiningnan muli ang email na natanggap niya mula kay Atty. Lucero. Napailing na lang siya rito habang inaayos pa rin ang kanyang buhok. Nang okay na siya sa pagkakatuyo noon ay nilingon niya si Ivo. Seryosong nakatingin lang ito sa laptop nito. Naka-reading glasses pa ang lalaki habang nakatungo pa rin sa binabasa. Nagkibit-balikat ito at saka tiningnan din siya. “Yeah.” Zachi pressed her lips together. Ilang segundo siyang nakatitig kay Ivo bago tumayo at nilapitan ito. Tumabi siya sa lalaki. Aga

