Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanilang tatlong magkakaibigan. Hindi na alam ni Zachi kung ilang minuto na ang nakalipas mula noong natahimik silang apat. Ang tanging maririnig lang sa buong living room ay ang mga singhot ni Sheena. Sa kanilang apat ito ang hindi pa talaga tapos umiyak. After niyang sabihin ang tungkol sa kanyang kondisyon kanina, umiyak na naman ito at nag-rant tungkol sa boyfriend niya. Naiiyak na nga rin siya kaya sina Mara at Iris naman ang panay assure sa kanya na for sure iba si Ivo. Syempre hindi ito asshole katulad ng boyfriend ni Sheena. Iyon din naman ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. Alam naman niya iyon kaya nga nagkalakas siya ng loob dahil kahit paano ay kilala niya si Ivo. Alam niya ang takbo ng isip ni Ivo kahit paano at iyon na l

