It was a normal working day for Zachi. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay sa mansyon na nila sila natulog ni Ivo. Doon na rin sila nagmula papuntang opisina. "Let's have lunch together later?" tanong ni Ivo habang nasa biyahe sila. Tipid na ngumiti lang siya at tumango. "Yeah sure. Wala naman akong meeting or what." "Alright. Later then." Nginitian niya lang ulit si Ivo. Hinalikan siya nito sa labi tapos ay sumandal na ulit siya sa balikat nito. She took a deep breath and looked outside. Maaga pa pero iyong traffic grabe na naman. Ang ending tuloy ay halos mag-aalas-otso na siya nang dumating sa opisina. Gusto pa sanang bumaba ni Ivo para ihatid siya pero hindi na siya nagpababa. Pinadiretso na niya ang driver at baka ma-late din ito sa pupuntahan. "Morning po, Ma'am," bati pa ni Zar

