“Hmm so he’s from a state u, and then he’s a full scholar. Huh. Impressive.” Nakapangalumbaba si Zachi habang nakatingin sa kanyang laptop. Kasalukuyan siyang nasa island counter siya noon. It was a weekend, so she took all her time to rest and do nothing. After all, day off naman pag weekend. Kunot-noong ni-scroll niya ang profile ni Joseph. Hindi nga niya alam kung paano siyang napunta sa pag-stalk kay Joseph. Sobrang bored niya na yata talaga at napadpad na lang siya sa pangso-stalk dito. She even stumbled upon his portfolio. Naka-link kasi iyon sa bio ng lalaki. Kumuha siya ng isang pirasong grape at sinubo iyon. Binalingan niya ulit ang portfolio nito. She even tried to look for his other social media accounts kaso hindi yata ma-social media ang lalaki. Napailing siya habang tinit