Naibaon na lang niya ang mukha sa kama nang bigla namang mag-vibrate ulit ang phone. Mabilis na napaangat din ng tingin doon. Napakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa kung sino mang nag-chat. Kino-contain niya pa ang kilig niya, e. Umupo siya sa kama at tiningnan ang cell phone. It was Ivo. Nagliwanag ang kanyang mukha nang sa wakas ay nagparamdam na rin ang kababata niya. She was about to reply to him when he automatically video called her. Zachi rolled her eyes and shook her head. Kahit kailan talaga itong si Ivo, e. Sinagot niya ang tawag. “What?” taas-kilay na tanong niya pa. Agad na nagsalubong ang kilay ni Ivo sa kanya. “Seriously?” takang tanong nito. Umirap siya. “Joke lang! Miss you!” nakangising sabi niya. Umayos siya ng upo at sumandal na sa headboard ng kama. “Ts