As days passed by, the Ramirez case caused even more noise in the public. Mas nagging malala pa noong nag-arraignment na dahil halos hindi makaabante ang sasakyan nina Zachi papuntang Regional Trial Court dahil sa daming reporters na nag-aabang sa bahay pa lang nila. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita to the point na napapabuntong-hininga na lang siya sa mga ito. Sobrang dami kasi talaga ng mga reporter sa labas. Nagmistulang mga zombie na nga ang mga ito sa sobrang siksikan, e. Napalunok na lang tuloy siya rito at saka napamasahe sa kanyang ulo. Hindi pa rin sila makausad. Dumating na rin ang mga guard nila at ang guards pa ng village. Nang sa wakas ay mawala na ang mga ito ay umandar na rin sila sa wakas. Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit ni Ivo sa kanyang kamay. M

