“Hey, how’s your day, huh?” tanong ni Ivo kay Zachi nang makaupo sa katapat na upuan ni Ivo. Bahagya pang umawang ang kanyang labi habang pinagmamasdan ang setup ni Ivo sa balcony ng penthouse nito. Naka-candle-light dinner kasi sila tapos may pa cloth pa ito sa paanan nila. May steak at wine din doon at isang malaking bulaklak sa tabi. Tumayo si Ivo at saka kinuha iyon at ibinigay sa kanya. Nag-angat ang kanyang isang kilay at tiningnan ang lalaki. “Woah… so extra, love…” komento niya pa at bahagyang natawa. Ngumisi lang ito sa kanya at umiling. Nagkibit-balikat ito. “I just figured that we haven’t had any date ever since this whole thing started,” sabi pa nito. Ngumuso siya at saka napatitig na lang dito. Huminga siya nang malalim at tumango na rin. Tama naman si Ivo. Parang wal

