“Ivo…” mangiyak-ngiyak na sabi ni Zachi at muli ay dumagsa na naman ang mga luha sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang gulat ni Ivo nang mahigpit na yumakap siya rito. Napahinto pa sila sa paglalakad pabalik ng kanilang lamesa dahil doon. “Hey, hey, may problema pa ba? What is it, huh? What is it, Zach?” Pinapatahan siya nito at hinahaplos ang kanyang likod. Mariing umiling siya sa dibdib nito. “Wala… wala na, promise,” parang batang sambit niya. Isang bugang hininga ang binitiwan ni Ivo. “Alright, can we go back to our dinner already? I’m famished,” sabi pa nito. Hindi na niya tuloy napigilan ang matawa sa lalaki. Nang tingalain niya ito ay nakasimangot na si Ivo at mukhang gutom na gutom na nga. Siya naman ang bumuntong-hininga. Sinapo niya ang mukha ng lalaki at tinitigan itong mai

