“Zachi!” Hindi pinakinggan ni Zachi ang mga tawag ng ina at inis na inis na nagmartsa palabas ng bahay nila. Halos lakad-takbo ang kanyang ginawa para lang agad na makaalis doon. Nakasalubong niya pa ang mga pulis na ginambala ng kanyang mga magulang para lang sa kalokohang ito. Bakit ba ang pa-paranoid ng mga ito? Hindi ba sinabi ng guard kanina na umalis siya? At kung ganoon man nga, bakit naman inisip agad nilang may nangyari nang masama sa kanya. Hindi na talaga niya ma-take ang ka-paranoid-an ng pamilya niya sa totoo lang. Papunta pa lang siya sa kanyang kotse nang isang pamilyar na lalaki ang sumalubong sa kanya. “Zachi? You’re here!” Ivo exclaimed. Napatigil siya at napatitig dito. Ivo immediately held her into his arms. Nakagat niya ang labi at hindi na niya napigilan pa an