Tila natuod sa kanyang kinatatayuan si Zachi habang si Ivo ay humahangos pa rin habang nakatingin lang sa kanya. Parang binuhusan ng napakalamig na tubig si Zachi. Nanlalaki ang kanyang mga mata, hindi alam kung paano mag-re-react. Tila hindi nag-sink in sa kanya ang sinabi nito. Hindi ma-process ng kanyang utak ang mga sinabi nito. Bumuntong-hininga si Ivo at agad na tumalikod sa kanya. Doon siya napakurap-kurap pero hindi pa rin tuluyang ma-absorb ng kanyang utak kung anong nangyari. Pakiramdam niya ang nanghina ang kanyang buong katawan. She felt her knees wobbling while looking at Ivo’s back on her. Nakapamewang ang lalaki at nakatingala sa langit. She could hear him sighing every now and then. Zachi felt a small lump in her throat. Napasinghap siya at unti-unting napaupo na lang s