CHAPTER 7

1136 Words
Hindi sumang-ayon si Alexander Ortega sa plano ni Marcus Madrigal na matulog na sila. Bata pa ang oras at gusto pa niyang maglibot sa paligid. “Masyado pang maaga upang matulog, Marcus. Common, join us.” Sabi ni Alexander nang mamataan niya si Marcus.             “Pagod na ako, Ortega. Did you bring your key?” Tinanong niya ang lalaki kasi balak niyang ikandado ang pintuan mamaya. Natakot siya na baka makapatay ng tao si Daniella.             “Yeah pero sa ibang silid ako matutulog mamaya,” sabi ni Ortega.             “Irespeto mo naman ang pamamahay ni Paloma, Ortega.” Binalaan ni Marcus si Alexander Ortega na huwag gumawa ng eskandalo sa loob ng bahay.             Umusok ang ilong ni Alexander nang marinig ang babala ni Marcus. Pareho lang silang guest sa kaarawan ni Paloma ngunit kung umasta ito ay parang may-ari ng bahay. Gusto man niyang sapakin ang kanyang kaibigan, kilala niya si Marcus Madrigal kaya minabuti na lang niyang tumahimik na lang.             Nakayuko lang si Alexander habang naglalakad papunta sa game room kung saan naglalaro ng billiards ang ibang kalalakihan nang mapansin niya ang isang babae naka-geisha ang costume. Nagmadali ang babae kaya hindi siya napansin nito pero nasamyo na niya ang pabango nito. Pamilyar ‘yon sa kanyang pang-amoy kaya tumigil siya at tiningan kung saan patungo ang babae.               Something about the geisha caught his attention so he followed her. Sinundan niya ang babae hanggang sa itaas at kumunot ang kanyang noo nang dumaan ito sa kanilang silid ni Marcus. Sandali siyang na-distract kaya nawala sa kanyang paningin ang babae. Bigla na lang itong naglaho ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi niya narinig ang pagsara ng isang pintuan.             Multo kaya ang kanyang nakita? Hindi siya takot makipagpatayan ngunit takot siya sa multo. Sino ba naman kasi ang hindi? Nanginig siya sa takot kaya naisipan niyang bumalik na lang sa kanilang silid ni Marcus at matulog.             Whe he walked towards the guest room he occupied with Marcus, the lights went on and off, and the hallway felt eerie. Gusto niya sanang tumakbo kaya lang baka may makakita sa kanya. Malapit na siya sa kanilang silid nang muli niyang mamataan ang damit ng geisha, pagkatapos, ay narinig niyang humalakhak ito. Her voice was soft like cotton and he was mesmerized.             “Marcus! Marcus!” Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ng kaibigan habang kumatok siya sa may pintuan.  ******             Kinabukasan, maagang gumising sina Daniella at Lilian dahil ibinilin ni Paloma na dapat ay personal na asikasuhin ni Lilian si Alexander Ortega. Samantalang si Daniella naman ay kailangan munang bantayan  si Vanessa at Ariana. Bago mag-agahan, ibinilin na ni Paloma kay Lilian na personal niyang kakausapin ang VIP nitong si Mr. Ortega tungkol sa schedule ng breakfast at kung saan ito i-serve. The breakfast buffet that consisted of American, Continental and Filipino would be served at the beach front, a good distance from the main house. Invited guests were advised to bring their swimwear in case they would want to go swimming after or in between meals.  A day before the guests, various six-seater outdoor dining sets with umbrellas were set up at the beach front. Outdoor cabanas, day beds, and chaise lounges were also present in the area. Mahina siyang kumatok sa labas ng pintuan at sa kanyang tantiya, mahigit limang minuto din ang nakalipas saka may nagbukas ng pinto. "Good morning Mister -" Lilian was speechless upon seeing the man who opened the door. Hindi lang ito gwapo, kundi nag-uumapaw talaga sa kagwapuhan, kakisigan at punong-puno ng s*x appeal. And the way his deep blue eyes stared at her, it penetrates to her core being. "Marcus Edwards or you can call me Marcus." Inilahad ni Marcus ang kanyang kanang kamay sa babaeng hindi magawang itikim ang bibig. Sanay na siya sa mga ganitong reaksyon ng mga babaeng unang nakakita sa kanya. But this one is unbelievable. Kailangan pa niyang hawakan ang panga nito upang isara ang bibig, at baka may makapasok pang insekto. Napahiya si Lilian sa ginawa ng lalaki sa kanyang bibig. Paano kung may nakita itong cavities? "How about Mr. Ortega?"  "Nasa shower. Hinanap ba siya ng birthday celebrant?"Nagtanong si Marcus. Hindi nagustuhan ni Lilian ang sinabi ni Marcus Edwards. Inakala ba nitong may relasyon si Mr. Ortega sa kanyang ina? "Nope. Tungkol sa breakfast, gusto lang ng celebrant na paalalahanan siya kung saan ito i-serve at kung anong oras. And of course, don't forget your swimwear."  Hindi siya magtataka kung bakit naging target ni Daniella si Marcus. At kaya pala madaling nahulog ang loob nito sa lalaki. Bago bumalik sa kanyang sariling silid upang makapagbihis, tinawagan niya muna ang kanyang ina upang sabihin dito na hindi niya personal na nakausap ang VIP guest nito. Kaagad na tinawagan ni Lilian ang kanyang ina upang ipaalam dito na nasa shower pa si Mr. Ortega at hindi niya nakausap ng personal. Pero iginiit ng Mama niya na bumalik siya sa kanyang pinanggalingan. “Pero Ma, na-inform ko na ang kanyang roommate about the venue,” nagreklamo si Lilian dahil ayaw niyang muling mapahiya sa harap ni Marcus. “Wala ng pero-pero. Kailangang personal mo siyang kausapin upang hindi niya makalimutan,” utos ni Paloma. At dahil sa kagustuhan na mapasaya ang ina sa kanyang kaarawan ay wala siyang ibang magawa kundi ang bumalik sa guest room na inookupa nina Mr. Ortega. Pagdating niya sa naturang silid, kaagad siyang kumatok, at nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang lalaking nagbukas ng pintuan. She was taken aback at the half-dressed man with just a red towel on his waist. “Ikaw!” Tinuro niya ang lalaki. Kumunot ang noo ni Alexander nang makaharap ang babae at tinuro siya nito na para bang may malaki siyang kasalanan. "You look familiar, pero hindi ko lang talaga matandaan kung saan tayo nagkita. Care to remind me?" sabi ni Alexis sa babaeng nakatulala sa kanyang harapan. She's pretty and very womanly, and so perfect for him. "I'm sorry but I think you have mistaken me for someone else," sumagot si Lilian. Kung masakit ang ginawa nitong pag-iwan sa kanya kahit alam nitong nabuntis siya, mas masakit na hindi pala siya natatandaan ng lalaki. Na ibig sabihin, ay ginawa lang talaga siyang pampalipas-oras nito. Bastard. "You must be, Mr. Ortega, right? My mother wanted to make sure that you'll be present at breakfast."  "Oh yes, actually, we're getting ready for breakfast. So, I'll see you around?" Tinanong niya ang babae kasi type niya ang kagandahan nito ngunit dinedma lang siya. Bago siya tumalikod ay kinindatan pa siya ni Alexis. Napaka-hambog talaga niya. Isang manloloko! Dinedma niya ang ginawa nitong pakipag-flirt sa kanya. Ni hindi lang ito humingi ng paumanhin sa hitsura nitong nakatapis lang ng tuwalya. Definitely, he's a good for nothing bastard and she was just one of his victims! Habang pabalik siya sa kanyang silid, naisip ni Lilian na mabuti na ‘yong hindi siya nakilala ng lalaki. Natakot siya na baka manggulo ito dahil ayaw niyang matulad kayDaniella na namrublema sa hindi inasahang pagbabalik ni Marcus. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD