Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan nang maglapat ang kanilang mga labi. Natulala siya ng ilang segundo. Ngunit nang mahismasan na siya, kinurot niya ang tagiliran ng lalaki kasi napahiya siya sa karamihan. Pagkatapos siya nitong halikan ay saka lang ibinalik ni Marcus ang suot na maskara at hindi nito binitawan ang kanyang kamay.
“Ano’ng ginagawa mo?” Tinanong niya ang lalaki matapos siyang dalhin nito sa madilim na bahagi ng kanilang hardin. “Tapatin mo nga ako, Marcus. Paano ka nakapasok dito? At bakit ngayon ka pa talaga nagpakita?”
“Imbitado ako, Dani.” Sumagot si Marcus pero hindi naniwala sa kanya ang babae. Nang maalala niya ang kanyang pangunahing dahil kung bakit umatend siya ng kaarawan ni Paloma, napatiimbagang siya at mahigpit na hinawakan ang braso ni Daniella. “So, who’s the other guy?” Tinanong niya ang babae.
Kumunot ang noo ni Daniella kasi hindi niya naintindihan ang tanong nito. “Ano ang ibig mong sabihin?”Gumanti siya ng tanong.
“Mugsy’s father, damn it woman!” Tumaas ang boses ni Marcus nang magpanggap si Daniella na walang ideya sa itinanong niya.
“Wala ka ng pakialam kung sino siya,” sabi ni Daniella. “Isa pa, sana’y tinanggihan mo na lang ang imbitasyon ni Paloma kasi iyon ang tama,” paalala niya sa lalaki at iniwan na lang ito ng basta-basta. Kailangan kasi niyang kausapin si Lilian tungkol sa guest list kasi hindi nito nabanggit na darating si Marcus Madrigal.
“Dani, sandali lang!” Tinawag ni Marcus ang babae habang sinundan ito.
“Bakit ba?” Nairitang hinarap ni Daniella ang kanyang ex-husband. Gusto niyang kausapin si Paloma kung bakit nasali sa listahan si Marcus, at kailangan pa niyang tanungin si Lilian. “Ano ang relasyon ni Ortega kay Mama?” Bigla niyang tinanong si Marcus.
“Client ni Ortega si Paloma,” sumagot si Marcus.
“Kliyente lang tapos ganyan sila ka-close? Ano ba ang negosyo ng kaibigan mo?” Nagduda kasi sila ni Lilian si Ortega ay baby boy ni Paloma Murillo. Ka-relasyon, in short.
“Detective agency,” sumagot si Marcus. Hindi niya idinitalye ang tungkol sa agency ni Ortega dahil ayaw niyang magduda ang babae kaya lang biglang nanliit ang mga mata nito at sa tingin ni Marcus ay mukhang malagay siya sa hotseat. “Ano?” Tinanong niya ang babae dahil hindi siya komportabe sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.
“You’re working for Ortega, right?” Tinanong ni Daniella ang lalaki.
Tumango si Marcus kasi malalaman ng babae kung magsisinungaling lang siya. “It’s a sideline job, Dani. Fulltime ako sa hacienda ng kaibigan ko,” dagdag pa ni Marcus.
She could only imagined how magnificent he would look on a cowboy hat. Pero tinanong niya ang kanyang sarili kung required ba dapat na kapag nasa farm ay naka-cowboy ang dating? Or masyado lang siyang ilusyunada? “Malaki siguro ang sahod mo sa agency because you can travel overseas,” sabi niya na may bahid ng pagdududa.
Nanatiling nakatikom ang bibig ni Marcus kasi natakot siyang magkamali. Napatiimbagang na lamang siya habang nag-isip ng maisasagot sa tanong ng babae. “Mayayaman lang ba ang pwedeng pumunta sa Hong Kong? Foreman ako ng isang malaking hacienda kaya may ipon din naman ako kahit konti,” nagpalusot si Marcus.
“Ah, so wala ka talagang balak na umamin sa akin na ako ang sinundan mo sa HK,” sabi ni Daniella sa malumanay na boses.
“Natakot lang ang ina mo na may gagawin kang hindi maganda,” nagpaliwanag si Marcus nang mapagtanto niyang wala na siyang lusot pa kay Daniella.
“Such as k********g a man to make me pregnant?” Ipinaalala niya ang nangyari noon at bahagyang napatiimbagang si Marcus.
“Ganun na nga,” sumagot si Marcus.
Sinubukan niyang kontrolin ang kanyang emosyon kasi noong una ay naniwala siyang itinadhana siya para kay Marcus ngunit isa lang pala siyang assignment para sa lalaki. “Ortega must have failed to remind you not to mix business with pleasure,” she reminded him of the time he flirted with her.
“Nope, hindi naman nagkulang si Ortega. Kaya lang, type mo ako.” Gumanti si Marcus kasi ilang beses din naman niyang nahuli ang babae na nagpapansin sa kanya.
“At ipinilit ko ang sarili ko sayo,” tinapos na niya ang gustong ipahiwatig ni Marcus. Alam niya naman kasi na nagpigil lang ang lalaki upang hindi siya masaktan, pwes matagal na siyang nasaktan. Matagal na siyang wasak! “So as I’ve said, you can’t stay her. Sana sa paggising ko ay hindi na tayo magkikita pa,” sabi ni Daniella bago tuluyang umalis.
Sinundan ni Marcus ang babae kasi hindi pa siya tapos. “Aalis lang ako kapag tapos na ang party,” sabi niya. Hindi siya pwedeng magpatalo kay Daniella kasi isang pagkakamali lang ay magiging katulad na rin siya ni Samuel Velasquez.
“Fine! But you have to pretend like a ghost when someone recognized you!” Binalaan niya si Marcus.
“Dani, alam ko na hindi ka masaya na makita akong muli, pero nasisiguro ko na magiging malungkot si Paloma kapag aalis ako.” Sabi ni Marcus.
Kumunot ang noo ni Daniella sa sinabi ng lalaki dahil wala namang kinalaman si Paloma kay Marcus. “At bakit naman malulungkot si Paloma, aber?” Tinanong niya si Marcus.
“Kasi kapag aalis ako, isasama ko si Ortega.” Sumagot si Marcus.
“That’s blackmail!” Tumaas ang boses ni Daniella.
Nilapitan ni Marcus ang babae at bigla niyang hinapit ang maliit nitong baywang. “Hmmm siguro nga. Pero alam mo na sobrang ganda mo ngayon?” Bumulong siya.
“Napakasinungaling mo talaga, Marcus! Sobrang ganda kahit naka-mask? Sino’ng pinagloloko mo, ulol!” Napailing na lamang si Daniella habang tinalikuran ang lalaki. Wala siya sa sarili na bumalik sa bahay at saka lang siya nakahinga ng maluwag nang makita niya si Lilian. Kaagad niya itong nilapitan upang kausapin. “Lil, kailangan ko ang iyong tulong,” sabi ni Daniella.
“Bakit? Ano’ng problema?” Gumanti ng tanong si Lilian.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na invited Marcus?” Tinanong niya si Lilian kasi ito naman ang may hawak sa guest list.
Nagtaka si Lilian dahil kabisado niya ang lahat ng pangalan na nasa guest list at hindi niya naman nakita ang pangalan ni Marcus Madrigal. “Sigurado ako na illegal entry ‘yon,” saad ni Lilian.
“No! Sinabi niya sa akin na imbitado siya at kaibigan daw siya ni Mr. Ortega,” giit ni Daniella. Nang banggitin niya ang pangalan ni Mr. Ortega, nakuha niya kaagad ang atensyon ni Lilian. Nagduda kasi ito na kalaguyo ng kanyang ina si Mr. Ortega.
“Sige, mag-iisip ako ng paraan upang hindi siya makilala ng mga katulong o ni Mama.” Pangako ni Lilian.
“Salamat, Lil. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko. Alam mo naman ang ginawa,” tinukoy ni Daniella ang kanyang pagpeke sa pagkamatay ni Marcus.
“Chillax, ako na ang bahala, okey?” Panigurado ni Lilian at niyakap niya ang babae. “What are sisters for?” Sabi niya at saka niyakap si Daniella.
Pagkatapos ng picture taking, inanunsyo ng emcee na required ang lahat ng guest na magsuot ng ninja costume sa bawat araw na nasa property ng mga Reyes. Nang marinig ni Daniella ang announcement, hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa or mainis kay Lilian. Mainit kasi kapag naka-costume. Hinanap niya si Marcus sa karamihan at nang magpang-abot ang kanilang mga mata, iniwas niya ang kanyang tingin.
“Looking for me?” Tinanong ni Marcus ang babae.
Bahagya lang siyang nagulat nang lumapit sa kanya ang lalaki. “At bakit naman kita hahanapin?” gumanti siya ng tanong.
“Hmmmm, hindi ka pa rin marunong magsinungaling, Dani.” Sabi ni Marcus.
“Alam mo, masyado kang pa-epal. Kung hinanap ka man nitong mga mata ko, hindi ibig sabihin nun na gusto kita. Nanigurado lang na hindi ka magkakalat sa birthday ni Mama,” at tinaasan niya ito ng kilay.
“Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganyan ka. Kung tutuusin, hindi naman tayo ang unang mag-asawa na nagpawalang-bisa ng kasal, at isa pa, alam naman nating pareho na marriage for convenience yon,” pahayag ni Marcus.
“Kasi hindi nila alam na annulled na ang kasal natin!” Pag-amin ni Daniella.
Sandaling nanliit ang mga mata ni Marcus habang pinag-aralan ang ekspresyon sa mukha ni Daniella Reyes. “Hmmm so ibig sabihin, mag-asawa pa rin tayo sa kanilang paningin,” pagkuwa’y sabi niya sa babae.
“Ganun na nga,” sumang-ayon si Daniella.
“Kung ganun, hindi sila magtataka kung tabi tayong matulog mamaya.” Biniro ni Marcus ang babae ngunit desidido na siya na gagamitin ang impormasyong nakuha mula kay Daniella para sa kanyang kapakanan.
“The hell you will!” Nagalit si Daniella sa gustong mangyari ni Marcus.