CHAPTER 5

1505 Words
Nagpaalam ang usherette at bumalik sa baba. Binuksan ni Ortega ang kanilang magiging silid at pumasok. Napansin niyang nagbago ang arrangement sa naturang guest room. It has two king-size beds suitable for two adults who wanted to have a bigger space. He noticed the small living area near the window that overlooked the vineyard. The vineyard where something magical happened between him and Daniella. Sa gilid ng pintuan ay nakakabit ang listahan ng kanilang schedule of activities habang nasa estate. He read that dinner will be served at eight o'clock and the theme was Japanese. It was also specified in the list where they could get their costumes for the themed dinner. Kanino kayang gimmick ito? Isang oras bago mag-dinner, bumaba na sila si Marcus at Ortega upang kunin ang kanilang japanese costume at magbihis. Marcus chose the black hooded ninja robe with red trim and attached red belt while Ortega chose the red costume for a samurai warrior. Ano kaya ang magiging costume ni Daniella? Nasasabik siyang masilayan ang mukha nito. Bitbit ang kanilang susuotin mamaya sa hapunan, bumalik sa taas ang dalawang lalaki upang magbihis.  "Gaano kaya kalaki ang bahay nila? Simula kasi ng dumating tayo, wala akong nakasalubong na ibang panauhin." Nagtataka si Alexander Ortega. Kanina kasi habang kumuha sila ng costume, marami namang tao doon. "I think that most of the guests were in the East and West Wing." He answered without thinking that he shouldn't know the fact of how big the house was. Bahagyang kumunot ang noo ni Ortega at tumaas ang isa niyang kilay. "Paano mo namang nalaman?" "I just heard it kanina habang nasa costume room tayo," nagsinungaling si Marcus. "Okay, here we go," parang bata na nasasabik maglaro si Alexander. Pagbukas ng pintuan, agad siyang pumasok at naghubad ng damit upang isuot ang napili niyang costume. Ngayong gabi, magiging samurai warrior siya. Ala Kenshin Himura ang kanyang napiling costume. Pulang wig, pulang kimono, puti na hakama, at plastic na katana.  Nagsimula na din si Marcus sa kanyang transformation into a rogue ninja. The costume offered total coverage and he would be covered from head to toe. Tanging ang kanyang mga mata lang ang makikita ng ibang tao.  Kinse minutos bago ang hapunan, bumaba na silang dalawa at nagtungo sa dining room. The same usherette who assisted them to their room was stationed at the door and greeted all the guest. Alexander silently praised the in-charge who created the traditional Japanese ambiance by decorating the room with red, white and black Japanese lanterns. Plus, there's a Japanese music playing in the background. The tables were low and covered with a white table cloth and red napkins. It was also surrounded by decorative and comfortable pillows for seating. Bumulong siya kay Marcus. "Marunong ka bang gumamit ng chopsticks?" Napansin kasi niyang walang kutsara at tinidor sa ibabaw ng mesa. Chopsticks lang ang meron pero syempre biniro lang niya si Marcus. "We can always ask for a spoon and fork,” seryosong sinagot ni Marcus si Alexander kahit na alam niyang marunong itong gumamit ng chopsticks. Five minutes before the dinner, nagsidatingan na ang iba pang mga bisita. Kadalasan sa mga costumes ng lalaki ay iyong pang sumo wrestler, street fighter, sensei master at mga katulad nila ni Ortega na ninja at samura warrior. Ang mga babae naman ay naka samurai princess, geisha at ninja. Si Paloma lang ang  tanging naka-costume ng Madame Butterfly. Isa-isa niyang tiningnan ang mga Geisha ngunit hindi niya nakita si Daniella. Wala rin ang babae sa mga Samurai Princess.  So, she’s a ninja, too! Nang makaupo na ang lahat, tumayo si Madame Butterfly at nagbigay ng welcome speech para sa mga bisita. Pagkatapos, ay sinenyasan nito ang waiter na magsimula na ang kainan. The waiter served one Japanese-style bowl of miso soup for every guest, together with a Japanese soup spoon.Ten minutes after, the main course was served. It was a teriyaki rib eye steak. They also hired a professional sushi chef that ran a sushi bar for the evening. When it was time for dessert, Marcus was already full. But he must try the green tea ice cream.  As soon as everyone finished their dessert, all glasses were filled up with sake. Madame Butterfly raised her glass and said kanpai. Then everybody raised their glasses, returned the kanpai and drank their sake. Pagkatapos ng dinner, nagpunta sa billiard room ang mga lalaki at ang mga babae ay sa music room para sa kanilang karaoke session. On the way to the music room, pasimpleng umeksit si Daniella upang tingnan sandali ang kanyang natulog na anak. Si Patty lang kasi ang kasama nito. She's wore a deadly ninja costume in black with a red belt. Kanina sa dining room, may napansin siyang ninja rin na halos kapareho ang kulay sa kanyang suot. Stop thinking about that man! Kung makatitig kasi ito ay para siyang hinubaran siya sa harapan nito. He kept on giving her an up and down look and it made her uncomfortable. Somehow, she was slightly attracted to flirt with her fellow ninja for the night. Paliko na siya sa pasilyo patungo sa kanyang silid nang makasalubong ang lalaking naging laman ng kanyang isipan kailan lang. At ano ang ginagawa nito sa mainhouse? Unless... "Wait, Mr. Ortega?" Daniella asked.  "Yes?" Ang boses ng lalaki, parang kaboses ng dating asawa. But still, he answered when she called him Mr. Ortega. "Did you find the guest room to your liking?" Personally, gusto niyang marinig mula sa lalaki na nagustuhan nito ang silid na pinaghirapan nilang pagandahin. Gusto kasi ni Paloma na walang masabi ang kanyang pinakapaboritong bisita. In addition, Paloma assigned an exclusive maid for that particular guestroom.  "Yes, thank you. So, see you around?" So the ninja girl was Daniella. It's going to be fun tonight, he thought. Nagpaalam siya sandali kay Ortega kanina dahil naiwan niya ang kanyang cellphone sa kwarto. Kukunin lang niya ito at saka bumaba ulit para sa picture taking na gagawin sa zen garden.  What's wrong with her? Bakit para siyang nahipnotismo sa mga titig ng lalaki? "Of course," sabi niya bago sila nagkanya-kanya ng pupuntahan. Hindi na sanay ang kanyang katawan sa mga puyatan. Kadalasan kasi ay mga alas-otso pa lang ng gabi ay tulog na siya kasama si Ariana. Nakinig muna siya sa labas bago binuksan ang pinto ng silid. Ayaw niyang magising ang bata sa kanyang pagpasok dahil aalis din naman siya ulit. Gusto lang niya itong makita. Nang lumabas siya uli, dumirecho siya sa silid ni Lilian. Hindi nakapunta ang babae sa dinner kanina dahil panay ang iyak ni Vanessa. Kumatok siya ng mahina at pabulong na tinawag ang pangalan ni Lilian. Alam niyang gising pa ito.  Binuksan ni Lilian ang pintuan at lumabas. Napakaganda nito sa suot na costume bilang Geisha. Sana'y nag-geisha na lang din siya. "Kumusta si Vanessa?"  "Hayun, mahimbing ang tulog. Nasa loob si Thalia, kinausap ko na siya kanina na samahan muna si Vanessa para makasama naman ako sa picture taking. Sayang din naman itong costume. I think I'm so pretty tonight." "Aba, hambog mo ha. Kung hindi lang ako naka-ninja ngayon, tiyak na mas maganda ako." Nagtawanan ang dalawang babae sa pasilyo. "Ano kaya kung magpalit ako ng costume?" mungkahi ni Daniella. "Naku, huwag na. Mabilis lang naman ang pagkuha ng mga larawan, eh. At saka, makikita pa rin naman sa picture ang magaganda mong mata. O, di ba? Let's go." Hinawakan ni Lilian ang kanang kamay ni Daniella at sabay na silang bumaba at nagtungo sa garden na pina-transform talaga ng ina niya para magmukhang parang nasa Japan. Kaloka talaga ang Mama niya. Pagdating nila sa garden, naroon na ang lahat ng mga bisita at nagsimula na photographer sa pagkuha ng mga larawan. Kung anu-ano ang posing na ipinagawa nito sa mga bisita sa harap ng cherry blossom backdrop. Todo-emote si Madame Butterfly sa posing nitong nakatingala sa langit. Sumunod ang dalawang sumo wrestler na tila nasa isang match. Pagkatapos nito ay isang pares ng mag-asawang samurai warrior. Nagpa-cute din ang ilang samurai princess sa mga kapares nitong samurai warrior o di kaya ay ninja. Mangilan-ilan  na lang ang hindi pa nakunan ng litrato nang bigla siyang tinawag ng photographer. Siya na daw ang isusunod. Ano naman kaya ang ipapagawa nito sa kanyang pose? Sa dami ng nanonood, kinabahan siya. Don't worry, mata mo lang naman ang makikita nila, so bigay toto mo na. Pinapalakas niya ang kanyang sarili. Nasa harap na siya ng back drop at handang gawin kung anuman ang ipapagawa ng retratista nang tinawag itong isang guest naka-ninja rin na kakulay sa suot niya. Inutusan ito na tumabi sa kanya at mag-pose bilang manliligaw. Sumunod naman ang lalaki na sa pagkakaalam niya ay si Mr. Ortega.  "Now, for your last photo, you must act like you're kissing!” Suhestiyon ng photographer at napasinghap si Daniella sa kanyang narinig lalong-lalo nang magsigawan ang ibang mga bisita. "Kiss, kiss, kiss..." nakakabingi ang sigawan ng ibang mga bisita. Alright, bakit nga ba hindi? Acting lang naman para sa picture. Just for fun. "Okay, in one.....two...." Nabigla si Daniella sa ginawa ng lalaki dahil bigla na lang nitong ibinaba ang mga takip sa kanilang mukha. "Three!" Click. Ang tunog na nagmula sa camera na hawak niya. "Perfect!" sabi niya sa dalawang pares na hindi pa rin umalis sa harap ng backdrop at nagtitigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD