CHAPTER 4

1631 Words
Napailing na lamang si Paloma habang pinagmasdan si Daniella na nagkandarapa sa pagpapatahan ng anak nitong si Ariana. “Ayaw mo pa rin bang kumuha ng yaya?” Tinanong ni Paloma ang babae.             “Kaya ko pa naman,” sumagot si Daniella. Aminado si Daniella na hindi madali ang pagiging single mother pero hindi pa rin siya kukuha ng yaya para kay Ariana. Marami na siyang nabasa at narinig na kapag may yaya ang isang bata ay mas malapit ito sa yaya kaysa sariling ina. Although, hindi naman lahat, ayaw niyang lumayo ang loob ni Ariana sa kanya. Isa pa, marami naman ang pwedeng tumulong sa kanya if ever na gugustuhin niya             .”Kailan daw uuwi ang asawa mo? Aba, malapit na ang birthday ng anak niya ngunit hindi pa rin siya nagpapakita dito,” reklamo ni Paloma. Alam naman niya na buwis-buhay ang trabaho ni Marcus sa ibang bansa ngunit hindi naman yata tama na pati sa birthday ni Arianna ay wala pa rin ito.             Hindi inaasahan ni Daniella ang tanong ni Paloma kaya bigla siyang napatingin sa gawi ni Lilian upang humingi ng saklolo. Wala kasing ideya ang kanyang stepmother na matagal na silang hiwalay ni Marcus Madrigal. “Hindi ako sigurado kong kailan, Ma. Alam mo naman ang mga sundalo, laging busy.” Tumikhim lang si Lilian nang magsinungaling na naman siya tungkol sa lalaki             “Ano ba naman ‘yan? Lagi na lang siyang wala! Baka naman sa debut na ni Arianna siya pwedeng umuwi!” Pumutok ang butsi ni Paloma sa nangyayari sa kanyang mga anak. “Tawagan mo siya,” inutusan ni Paloma si Daniella. Na-frustrate na kasi siya sa dalawang babae lalo na kay Lilian na hindi pa rin sinabi kung sino ang nakabuntis sa kanya. Tapos ang asawa naman ni Daniella ay ilang linggo lang sa bahay pagkatapos ay umalis ito at hindi na bumalik pa.             “Sige po, Ma. Susubukan kong tawagan siya mamaya,” sumang-ayon na lang si Daniella upang tumigil na si Paloma sa pangungulit sa kanya.             Susubukan raw eh ilang beses ng sinabi ni Daniella na tatawagan raw nito si Marcus pero hindi pa rin nito ginawa kaya duda siya. Nang tumingin siya sa gawi ni Lilian, gusto niyang batuhin ng sapatos ang anak na wala na yatang balak upang hanapin ang lalaking nagkasala sa kanya.  “At ikaw naman, Lilian? Wala ka bang balak na papanagutin ang ama ni Vanessa?”             Hindi nagustuhan ni Lilian na siya na naman ang kinulit ng kanyang Mama. Napatiimbagang siya at tiningnan ng masama ang kanyang stepsister kasi kasalanan nito kung bakit napunta sa kanya ang atensyon ng kanyang ina. “Hindi ko siya kailangan sa buhay namin ni Vanessa,” sumagot siya. “Ano ba ang nakain mo at ganyan ang mood mo ngayon?” Tinanong niya ang ina ngunit inirapan lang siya nito.             “Ewan ko sa inyong dalawa! Gusto ko lang namang magkaroon ng kompletong pamilya ang mga apo ko,” sabi ni Paloma. Malapit na ang kanyang sixtieth birthday at wala siyang ibang gustong hilingin kundi ang magiging masaya ang kanyang mga anak.             “Kung gusto mong magkaroon ng anak na kriminal, ipapahanap natin siya.” Pahayag ni Lilian at natakot yata si Paloma dahil umiwas ito ng tingin. Inakala niya na aalis na ito ngunit hindi pa pala.             “Anong plano mo? Maghahanap ng ibang lalaki na tumayong ama ni Vanessa?” Muling tinanong ni Paloma si Lilian.             Tumikhim si Daniella upang kunin ang atensyon ni Paloma. “Ma, hayaan na natin si Lilian.” Sabi ni Daniella upang saklolohan ang babaeng na-hot seat pero hindi siya pinansin ni Paloma.             “Wala ka bang natutunan sa experience nating dalawa? Oo nga at masaya ako sa piling ni Gregory ngunit hindi buo ang aking kasiyahan dahil hindi kita kasama. Gustong-gusto ko na magkasama tayo pero natakot ako noon na baka gawan ka ng masama ni Gregory,” nagpaliwanag si Paloma sa pag-akalang makumbinse nito si Lilian.               Kumunot ang noo ni Daniella habang pinakinggan ang paliwanag ni Paloma kay Lilian at sa totoo lang ay hindi niya nagustuhan ang pinagsasabi ng kanyang madrasta. “Ma, paano mo naman naisip na posibleng gawan siya ni Papa ng masama? Mabuting tao ang aking ama,” giit ni Daniella.             “Patawarin mo ako Ella pero gusto ko lang protektahan si Lilian noon. Nakita mo naman sa mga balita, di ba? Sana ay maintindihan mo ako,” humingi ng dispensa si Paloma kay Daniella. Tama naman kasi ito eh. Mabait si Gregory Reyes, ngunit mas matimbang ang takot sa kanyang dibdib noon.             Simula nang dumating sa kanyang buhay si Arianna, mas lumawak pa ang kanyang pang-unawa sa mga bagay-bagay. Hindi na siya tulad ng dati na sobrang makasarili.  Maski siya ay gagawin rin ang lahat upang pangalagaan ang kapakanan ng kanyang anak. Pasimple niyang sinulyapan si Lilian at nahabag siya babae. Naawa siya sa babae dahil sa hirap ng dinanas nito noon, at hindi biro ang mangulila sa isang ina.             “Hindi namin kailangan ang lalaki sa buhay!” Sabay na sumagot sina Daniella at Lilian.             Malakas na bumuntong-hininga si Paloma bago niya iniwan ang dalawa. Kahit ano pa ang sasabihin niya sa mga ito ay wala pa ring magbabago. Parehong-pareho ang dalawa sa pagiging sutil at may katigasan ang ulo.             “Ma, saan ka pupunta?” Tinawag ni Lilian ang inang tumalikod na hindi nagpaalam.             “Shopping,” maikli ang naging ni Paloma. Wala rin namang patutunguhan ang pakikipag-usap niya sa dalawa. Kumbaga, kung sa messenger pa sila nag-uusap, malamang na seen lang ang kanyang mga mensahe.             Kinabukasan, nagulat silang lahat nang mayroong parcel na dumating at dinala ito ni Patty sa sala. Kaagad na napangiti si Daniella dahil may inorder kasi siya online para sa kanyang anak. “Akina ‘yan,” sabi niya kay Patty.             “STOP!” Sumigaw si Paloma bago pa nabuksan ni Daniella ang package. “Hindi nakalagay kung sino sender,” sabi niya kay Daniella. “Paano kung isang bomba ang laman ng package?” Nabahala si Paloma kaya pinigilan niya si Daniella na buksan ang package.             “You’re just being dramatic, Ma! May inorder akong damit ni Ariana sa online kaya malamang na damit ang laman nito,” sumagot si Daniella.             “It’s better safe than sorry, Ella. Common, sa labas na nating buksan yan. Patty, pakibantayan muna ang mga bata dito sa loob ha at saglit lang kami sa labas,” sabi ni Paloma.             Napakamot na lang si Daniella sa kanyang ulo habang sumunod kay Paloma. Nagkatinginan sila ni Lilian habang binitbit niya sa labas ang parcel. Paglabas nilang ng bahay, dumiretso sila sa bahagi na malapit sa pool. Gamit ang isang cutter ay kaagad na binuksan ni Daniella ang kanyang package.             “Oh my God!” natutop ni Lilian ang kanyang bibig nang makita kung ano ang laman ng package.             “Sabi mo damit ang iyong inorder online, bakit flower vase ang dumating? Na-scam ka?” Nagtanong si Paloma.             Tahimik lang si Daniella habang kinuha ang laman ng box at saka binasa ang nakasulat sa card. “Patay na siya!” Inanunsyo niya ang masamang balita sa dalawang babae.             “Sinong patay?” Mas lalong nagtaka si Paloma nang bigla na lang umiyak si Daniella. “Sino ang namatay?” Nagtanong siya ulit.             “Patay na si Marcus, Mama. Patay na ang asawa ko!” At ibinigay niya sa ina ang sulat na kasamang dumating sa urn na nilagyan ng mga abo ni Marcus. “Bakit kailangan pang i-cremate? Pwede naman siguro nilang ipadala rito ang kanyang katawan,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Daniella.             “Ano’ng sabi mo? Patay na si Marcus? Bakit daw? Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh, na huwag kayong mag-boyfriend ng mga sundalo. Ano’ng plano mo ngayon? Thirty-one ka pa kang ngunit biyuda ka na!” Tumaas ang boses ni Paloma.             “Eh anong magagawa ko Ma kung namatay siya? It’s beyond my control!” Giit ni Daniella. Pero sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Nang sumulyap siya sa gawi ni Lilian, nagkibit lang ito ng balikat. Sinubukan niyang pahirin ang kanyang luha ngunit bigla na lang nagdilim ang kanyang paligid.             “Ellla!” Sumigaw si Paloma. Tinawag niya ang isa sa mga kasamahan nila sa bahay at inutusan itong buhatin si Daniella papasok sa bahay. Pinahiga nila si Daniella sa may sofa at mabuti na lang talaga dahil nag-volunteer si Patty na ito na ang tutulong kay Daniella.             Makalipas ang tatlong minuto, bahagyang iginalaw ni Daniella ang kanyang kamay nang magkamalay siya. “Ano’ng nangyari?” Nagtanong siya dahil napalibutan kasi ng maraming tao.             “Ella, kailangan mong maging matatag para kay Arianna,” sabi ni Paloma.             Nang maalala niya ang nangyari sa labas kanina, muli na naman siyang umiyak. “Wala na siya, Ma.” Sabi ni Daniella sa gumaralgal na boses.             Speechless si Lilian samantalang si Paloma ay nabalot ng pag-alala para kay Daniella. “Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa libing ni Marcus.” Nag-offer si Paloma.             “No! Ayoko na doon siya ilagay sa mausoleum Ma, dito lang siya sa bahay.” Sabi ni Daniella.             “Nahihibang ka na ba? Ipagpalagay natin na mahal na mahal mo si Marcus pero may mausoleum tayo at doon dapat mamalagi ang labi ni Marcus,” giit ni Paloma.             “Ayoko nga sabi! Doon ko lang siya ilalagay sa guest room na ginamit niya dati,” iginiit rin ni Daniella ang kanyang gusto, at nang tumaas ang kanyang boses, batid niyang naiparating niya ng maayos ang kanyang desisyon.             Napabuntonghininga na lamang si Paloma habang kinarga si Arianna. “Sige, kung iyan talaga ang gusto mo. Papatulugin ko muna si Arianna sa itaas,” sabi ni Paloma bago niya iniwan sina Lilian at Daniella sa sala.             Sinenyasan ni Lilian ang mga katulong na bumalik sa kanilang mga trabaho dahil may pag-uusapan sila ni Daniella na importante. “You are really one of a kind! Una, sample ng anak ko ang pinadala mo sa clinic para sa paternity test, tapos ngayon ay biglang namatay si Marcus. What’s next, Ella?” Nagtanong si Lilian.                “It’s party time!” Sabi ni Daniella.             “You’re crazy,” reklamo ni Lilian at pagkatapos ay kapwa sila natawa.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD