CHAPTER 3

2856 Words
TWENTY YEARS AGO… And just like that, their parents discussed their upcoming nuptials as if they were not around. Daig pa ng dalawa ang mga babae pagdating sa pagpaplano ng kasal. Ni hindi man lang nagtanong ang mga ito kung sang-ayon ba sila ni Claire sa mga kagustuhun ng mga elders. Sinenyasan ni Alexis si Claire ngunit ngumiti lang ito. What a stupid chit! Sabagay, sa hitsura nito, aayaw pa ba ito sa isang katulad niya? Hindi sa nagbubuhat siya ng sariling bangko, pero totoo na may hitsura siya. To put it correctly, Claire is not his ideal woman. He wanted someone else, like the woman he saw while ago. Kanina pa napansin ni Dante na sobrang tahimik ni Alexis. Likas ba talaga itong mahiyaan o may iba pang dahilan sa katahimikan nito. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ng magiging manugang. "Iho, napagkasunduan namin ni Norman na sa susunod na buwan na idaraos ang engrandeng kasalan ninyo ni Claire." Nang hindi sumagot o umimik si Alexis, minabuti ni Norman na siya na ang sumagot sa tinuran ni Dante. "Kumpadre, as always, silence means yes." Giit niya. "Sa tingin ko, masyadong overwhelming para sa mga bata ang tungkol sa kanilang kasal, lalo na at ngayon lang sila nagkita. Why don't we give them some space?" "Tama ka, kumpadre. So, iho, iha, maiwan na muna namin kayo at may mga importanteng bagay lang kaming pag-uusapan ni Norman sa kanyang opisina." "Go ahead, Papa." Now that she's alone with Alexis, she wanted to set something straight. "Finally, tayong dalawa na lang ang nandito. Common, Alexis. Sit down and be comfortable."  "As you wish," sagot ni Alexis at naupo sa bakanteng sofa sa harap ng babae. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ako tumutol sa kasal natin kahit ngayon lang tayo nagkita?"Panimula ni Claire habang pinag-krus ang kanyang mga binti. "Then, please enlighten me, Miss Villamonte." "Ano ka ba naman, Alexis. Stop being formal to your fiancee. Next month, we'll be living under the same roof."  Natawa si Alexis sa mga pinagsasabi ng babae. "Wala ka ba talagang balak na umurong sa kasalang pinagplanuhan ng mga magulang natin? Hindi kita mahal, Miss Villamonte. At wala rin akong balak na pag-aralan kang mahalin." "Ouch! Ang sakit mo namang magsalita, Alexis. Akala ko ay pareho tayong mag-isip. Sa tingin mo ba, gusto ko ding makasal sayo? My God, sino ka ba? " Nanggagalaiti si Claire sa inis. Inisip ba ni Alexis na porket hindi siya kagandahan ay basta na lang siyang magpapakasal kahit kanino? She was just trying her best to act like a stupid girl while her father is around. Or else,  her mother would suffer the consequences. She wanted more for her life but what can she do? She has no choice. She was hoping that Alexis was different...that she could trust him.  So, she is not stupid after all. But why did she act like one? "I'm sorry. Actually, wala pa talaga akong plano na magpakasal. Kaya lang...." "Kaya lang, nagkita kayo ni Janine kanina at na-love at first sight ka. Tama ba ako?" Kumunot ang noo ni Alexis. So, wala pala talagang multo. At hindi lang siya pinaglaruan ng kanyang imahinasyon kanina. Pero nasaan si Janine? Bakita hindi pa niya ito nakita? Tatanungin niya sana si Claire pero bigla itong may tinawagan sa phone. "Jan, pakidala rito ng regalo ko para sa akong magiging asawa." Pinag-aralan niya ang expression ni Alexis habang kausap si Janine sa telepono. So, she was just like those men. Na mas binibigyang halaga ang hitsura ng isang tao kaysa sa ugali nito. "She's coming. Ilang saglit na lang at makikita mo na ang iyong dream girl." As if there's something funny with Claire's statement, Alexis laughed out loud. She might not be aware of her talent yet, but she's really funny. "Here she is," sabi ni Claire nang mamataan si Janine. "And please, don't make yourself a fool in front of her!" Kilala niya si Janine. Yes, she's pretty. As in super beautiful. Pang Miss Universe ang kagandahan nito. Pero hanggang doon lang si Janine. Beyond her pretty face was a mean woman. Hindi niya sinisiraan ang babae dahil naiinggit siya dito. Talagang, iyon ang katotohanan. "Hello, you must be Alexis, Claire's fiance." Claire rolled her eyes at Janine's antic. At gaya ng inaasahan, halatang patay na patay si Alexis kay Janine. Ganunpaman, hindi siya dapat makaramdam ng panibugho. Sanay na siya sa reaksyon ng mga lalaki tuwing magkasama sila ni Janine. Pero bakit? Bakit , parang ayaw niya na magkagusto si Alexis kay Janine? May magagawa ba siya? Siya na isang ugly duckling kumpara sa pang-Miss U?  Batid ni Claire na wala siya sa kalingkingan ni Janine kung kagandahan lang ang pag-uusapan. But still, she loves herself very much. Kailanman ay hindi siya naiinggit kay Janine. If only her mother's life is not on the line, nunca na maging sunud-sunuran siya sa kanyang ama.  Kaya si Alexis na lang sana ang kanyang kukumbinsihin na huwag magpakasal sa kanya. Isa siyang hipokrita kung patuloy niyang itatanggi na hindi siya attracted kay Alexis Ortega. Kasi kahit sinumang babae, tiyak na mabibighani ng lalaki sa angkin nitong kakisigan. Calling him handsome is not enough because he's so beautiful! His features were like a work of art, just like Janine's.  Well, mabuti pa ay huwag na lang niyang masyadong pansinin ang mga ikinikilos ni Janine sa harap ng kanyang mapapangasawa. Hindi pa ba siya nasanay? Eh, ilang taon na silang magkaibigan ni Janine.  Napansin ni Claire na hindi lang isang simpleng pakikipagkamay ang ginawa ng dalawa sa kanyang harapan. Para siyang tanga na pinagmasdan ang dalawang tao na walang pakialam sa kanilang kapaligiran. Pakiramdam siguro ng mga ito ay sila lang ang tao sa mundo. Unti-unting kinain ng selos ang kanyang puso nang biglang umilaw ang bombilya malapit sa kanyang utak. Well, well, well, bakit nga ba hindi niya susubukan?  "Ano ba 'yan? Baka isipin ng ibang tao na kayo ang ikakasal?" Bakas sa kanyang boses ang pagkabagot at pagtatampo.  "I'm sorry, Claire. Na-offend ba kita?"  "Jan, I'm just kidding, okay? Hindi bagay sayo ang sobrang seryoso. Pero infairness ha, bagay kayong dalawa." Sa tingin niya ay umubra ang kanyang plano nang makita si Alexis na pasimpleng ngumiti. Ang loko, parang kinilig pa sa kanyang sinabi. At si Janine naman ay namumula ang magkabilang pisngi. Sus, drama. Kung umasta ito ay parang first-time nagkagusto sa isang lalaki.Nilapitan ni Claire si Alexis at nagpaalam kay Janine bago hinila ang lalaki papunta sa bougainvillea garden. She's 100 percent sure na papayag ang lalaki sa kanyang proposal. Nang marating nilang dalawa ang kinaroroonan ng tatlong bougainvillea bouquet na gawa sa rebar, pinaupo niya ang lalaki at nagsimula nang ilahad dito ang kanyang magandang plano upang hindi na matutuloy ang kanilang kasal. "So, what can you say?" tinanong kaagad ni Claire si Alexis matapos niyang ipaliwanag sa lalaki ang lahat. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa babaeng nakatayo na parang inahing manok at hindi mapakali. Her plan was clean and perfect. But the problem is.... " I can't do it, sorry." Kung kanina ay sobrang kampante siya sa magiging takbo ng kanilang usapan, ngayon naman ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. At tuluyan na niyang sinigawan si Alexis. "Ano? But why?" "Will you please calm down?" Ikinagulat niya ang biglang pagtaas ng boses ni Claire. "Calm down? Paano ko gagawin 'yon? Alam mong ikaw lang ang pag-asa ko upang hindi matuloy ang litseng kasalan natin!" Nanlaki ang mga mata ni Alexis sa narinig mula sa babae. Edukada ito pero kung magsalita, daig pa ang hindi nakapag-aral ng kindergarten. "Talaga bang ayaw mo sa akin?" Masakit man sa kanyang pride, nagawa niya pa ring tanungin si Claire. "Common, Alexis. Alam mong hindi ikaw ang dahilan kung bakit tutol ako sa kasalan natin. Ayoko lang talagang magpakasal ngayon sa kahit sinumang lalaki. Masyado pang maaga para pasukin ko ang masalimuot na buhay may-asawa. Don't tell me, na na-offend ka?" Likas na sa mga lalaki, lalo na ang mga katulad ni Alexis na may hitsura, ang may mataas na pride.  "Hindi naman sa ganun. Ang sa akin lang, bakit hindi mo na lang tanggapin ang ating kapalaran? Kung tutuusin ay para kang nanalo ng lotto kung pakakasalan mo ako." Oopps, it was too late when he realized what he just said. At nahiya siya sa kanyang sarili nang makita ang reaksyon ni Claire. Alam niyang napahiya ito sa kanyang sinabi. Biglang umakyat sa ulo ang dugo ni Claire at naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Well, he was right and wrong at the same time. Dahil hindi naman lahat ng babae ay gustong makasal sa kahit sinong lalaki basta gwapo lang. Hindi naman ganun kadali 'yon. "You're right. Ako na siguro ang pinakamaswerteng babae sa buong bansa dahil ang fiance ko ay hindi lang pogi, mayaman pa. Did you expect me to say that?" "Aw, hindi naman sa ganun. Ang sa akin lang kasi- "Shut up! Huwag mo nang ituloy pa ang kung anuman na gusto mong sabihin sa akin. Bweno, kung talagang desidido kang pakasalan ako, eh di sige. Ituloy natin 'to. Huwag ka lang mag-expect ng kung anu-ano mula sa akin dahil sa papel lang tayo maging mag-asawa, Alexis!" "Same here, don't worry." Hindi pa nga siya tapos ay umalis na si Claire at iniwan siya. Napaka-walang modo talaga ang babae. Ito pa ba ang galit? Dapat nga ay magpasalamat ito sa kanya! "Hoy, hintayin mo nga ako," tawag niya sa babae habang sinusundan ito papasok sa bahay. "O ano na naman? Kung ayaw mo pa ring mag back-out sa kasalan natin, huwag mo na lang akong kausapin, please." "Claire, be reasonable!" "Ewan ko sayo. Ang tigas ng ulo mo, pero wala ka namang binatbat. Gusto mo bang malaman  kung bakit ayokong makasal sayo? Dahil ayoko sa mga katulad mong masyadong mataas ang tingin sa sarili! Inakala mo siguro na porke't gwapo ka ay mahuhulog na kaagad ang loob ko sayo!" Hindi na niya itinago sa lalaki ang tunay niyang saloobin at opinyon. Bakit pa? Eh, ikakasal na nga sila next month. "Sinungaling! Kahit itatanggi mo pa ng ilang beses hanggang sa makumbinse ang sarili mo, alam kong attracted ka sa akin." "Tama, isa akong sinungaling kung patuloy ko paring itatangi na attracted nga ako sayo. So what kung ganun nga? Ako lang ba ang nakaramdam ng ganito? I'm sure lahat ng babae o bakla na makakita sayo, maa-attract din. Sino ba naman ang hindi? Physically, you're good looking. Pero hanggang doon lang ang attraction ko sayo, Alexis. I'm sure na kapag tapos na ang wedding night, mawawala din ito!" Napatiimbagang si Alexis sa galit at gustong turuan ng leksyon ang babaeng walang preno ang bibig sa pagsasalita. Walang awa nitong hinamak ang kanyang p*********i. Pwes, patutunayan niya rito na nagkakamali ito. That he's more than just a pretty boy. "Well see." Claire just smirked at Alexis. As expected, he behaved like an entitled royalty just because he has good looks. What a pity! ****** Mga bandang alas-dos ng hapon ay umalis si Samuel dahil magkikita sila ni Ortega sa bahay nito. Sa tindi ng traffic mula sa Lapu-Lapu patungong Guadalupe, kailangan niyang umalis ng mas maaga. Nagpumilit si Carter kanina na sumama sa kanya pero pinigilan ito ni Jessica. Magaan ang kanyang loob para sa bata na para bang magkadugo sila. Kung sinuman ang ama ng bata, makakatikim ito sa kanya dahil sa pag-iwan nito sa mag-ina! Malaki ang kanyang pasasalamat kay Francis dahil sa ginawa nitong kabutihan kay Jessica at sa anak nito. Kung hindi dahil kay Francis, baka kung saan na napunta ang mag-ina. Sa mata ng diyos at sa mata ng tao, kasal pa rin silang dalawa kaya may pananagutan siya sa babae. Hindi niya ito pababayaan kahit na nagkaanak ito sa ibang lalaki. "Bilib na talaga ako sayo, Ortega. Grabe, ang bilis!” Pinuri niya ang galing ni Ortega pagdating sa work nito. "Ikaw lang naman kasi itong walang bilib sa akin. Pareho kayo ni Marcus na ang tingin sa akin ay isang walang-kwentang tao." Animo ay nagtampo ang tono ng kanyang pananalita pero nagbiro lang siya dahil wala naman talaga siyang kwentang tao. Magaling lang siya sa kanyang trabaho. Hanggang doon lang. Binuksan ni Samuel ang envelope at kinuha ang laman. "Bakit birth certificate lang ng bata ang narito?" kumunot ang kanyang noo habang tinanong si Ortega. "Mamaya ka na magtanong. Basahin mo muna ang birth certificate ni Carter." Gusto niyang makita ang reaksyon ng kanyang kaibigan kapag mabasa nito ang pangalan ng ama ng bata na nasa birth certificate. Samuel used to have a good head on his shoulder but when it comes to his woman, he’s stupid!  Wala ba itong salamin sa kanyang bahay? Bakit hindi nito nakita na magkahawig sila ni Carter? O sadyang nagbubulag-bulagan lang ito? Samuel was shocked when he read his name as Carter's father. "Bakit pangalan ko ang nakalagay dito? Hindi ako ang ama ng bata, Ortega." Binasa niya ng paulit-ulit ang nakasulat sa birth certificate ni Carter at napatiimbagang siya sa kanyang nalaman. Hindi niya inasahan na tuso pa rin si Jessica! Inakala siguro nito na magiging tagapagmana niya ang bata dahil nakasulat sa birth certificate nito na siya ang ama.Pagak siyang tumawa at pinunit ang hinawakang papel. “Sam!” Nagulat si Ortega nang biglang pinunit ni Samuel ang birth certificate ni Carter. Mabuti na lang at may kopya pa siya sa kanyang opisina. “Hindi kita maintindihan, dapat nga ay maging masaya ka pa.” Pinagalitan ni Ortega si Samuel. “Talaga Ortega? Bakit naman ako masiyahan sa ginawa ni Jessica? Paulit-ulit na lang niya akong nilalamangan!” Pabagsak na umupo si Sam sa sofa ni Ortega at minasahe niya ang kanyang noo dahil pakiramdam niya ay umakyat sa kanyang ulo ang lahat ng dugo niya. Napailing na umalis si Ortega at nagtungo sa kusina upang kumuha ng malamig na beer. Pagbalik niya sa sala, nakapikit ang mga mata ng lalaki at hindi niya alam kung maawa ba siya kay Sam o matawa sa reakyon nito. “Here, uminom ka muna para lumamig ‘yang ulo mo.” Tinanggap ni Sam ang bote ng beer at tinungga. “Ortega, nagpaanak siya sa ibang lalaki ngunit pangalan ko ang sinulat niya doon sa birth certificate ng bata. Alam mo ba ang kung anong mangyayari kung hindi ko ito nalaman kaagad? Mapupunta sa bastardong ‘yon ang lahat ng pag-aari ko! Can you imagine that?” Hindi sumagot si Ortega, bagkus, tumayo siya at may kinuha na isa pang envelope. "Here,” ibinigay niya ito kay Samuel. “Ano ‘to?” Nagtanong si Sam. “Hospital record ni Jessica noong gabing nawala siya,” sumagot si Ortega. Kaagad na binuksan ni Samuel ang naturang envelope at binasa ang dokumentong naroon sa loob. "So, there was no miscarriage! Why that woman made me believe she had one!" Samuel cursed under his breath.  "Easy...did she really tell you that she had a miscarriage?" He talked with the doctor and he remembered telling Samuel that there was almost a miscarriage. Almost! A wrinkle appeared on his forehead when he tried to remember everything that happened. "Actually, no." He just assumed that something happened to the baby when she won't stop crying while the doctor informed them that she was pregnant. "Ah…so ano kaya ang dahilan kung bakit siya umiyak?" Sa totoo lang, kanina pa niya gustong sapakin si Samuel dahil hindi pa rin nito nakita ang dahilan kung bakit umiyak si Jessica noong gabing ‘yon! . It's because of Bettina, you fool! Gusto niya itong sumbatan, pero hindi niya linya iyon.  Hindi kayang sagutin ni Samuel ang tinanong ni Ortega. Saka lang niya naisip na kaya hindi nito ipinaalam sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis dahil palagi nitong nakita si Bettina sa bahay. Isa siyang hangal! Ang laki ng kanyang kasalanan sa kanyang mag-ina. Paano siya makakabawi sa dalawa? Namutla si Sam habang inisip ang posibleng reaksyon ni Jessica kapag malaman nito ang ginawa niyang pag-imbestiga. “Huwag na huwag mong babanggitin sa kanya ang tungkol sa pinapatrabaho ko sayo, Ortega!” Binalaan niya ang kanyang kaibigan na manahimik kundi ay makakatikim ito sa kanya. “Ten million pesos,” sabi ni Ortega. “Ano? Hindi kita maintindihan,” sabi ni Sam . “Ten millions pesos kapalit ang aking pananahimik,” alam ni Ortega na hindi siya tatanggihan ni Sam dahil hindi nito kayang mawala si Jessica sa pangalawang pagkakataon. “You’re crazy! Are you trying to blackmail me now?” May mga panahon na pinagsisihan niyang nakilala sina Ortega at iba pa niyang kaibigan. Pagdating kasi sa pera ay puro mga walanghiya ang mga kumag na ‘yon. “Ayaw mo?” hindi nagpatinag si Ortega at kalmadong naupo sa harap ni Sam. Inubos ni Sam ang laman ng bote at tiningnan ng masama si Ortega. “Karmahin ka sana balang araw, Ortega.” Sabi ni Sam at tumawa ng malakas si Ortega. “Maybe,” sumagot si Ortega. “Fine! Itext mo sa akin mamaya ang account number mo,” sabi ni Samuel. “One more bottle?” Tinanong ni Ortega si Samuel at tumango ito. “Okay, sandali lang.” Pasipol-sipol na bumalik si Ortega sa kusina upang kumuha ng beer. “Darating din ang araw na makaganti ako sayo, Ortega.” Sabi ni Sam habang tinanggap ang isa pang bote galing kay Ortega. “Malay natin,” kumpyansa si Ortega na matagal pang mangyari ‘yon dahil abala pa si Sam kay Jessica. “Ipagdasal ko na sana ay masalimuot din ang iyong buhay pag-ibig,” pabirong sabi ni Sam. “Sinasabi ko sayo Sam, hinding-hindi ako magiging tulad mo!” “Never say never, bro.” Tinakot ni Sam ang kanyang kaibigan at natawa siya sa reaksyon ni Ortega. "Puputi muna ang uwak bago ako maging biktima ng pag-ibig sa ikalawang pagkakataon," iginiit ni Alexander Ortega na hinding-hindi na siya iibig pang muli. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD