Natawa na lang si Alexander sa kanyang sarili habang pabalik siya sa Oslob. Nasa backseat ang ipinabili ni Lilian sa kanya at hindi niya ito masisisi kung na-miss ng babae ang pagkain sa naturang restaurant. Nagustuhan nga niya ang lasa kahit hindi siya mahilig sa mga Korean food dahil sa sobrang anghang ng mga ito. Magtakipsilim na nang dumating siya sa Oslob kasi after lunch na siya nakaalis mula sa office. Si Patty ang nagbukas ng gate at dahil kilala na siya nito, kaagad siyang pinapasok ng babae. Nang makapasok na siya sa bahay, si Paloma lang ang nadatnan niya sa sala at may kausap ito sa phone. Naupo lang siya sa harap nito at hinintay ang babae na matapos. “Ortega! What a surprise! May nakalimutan ka ba dito sa bahay?” Tinanong ni Paloma ang lalaki.