Kung siya lang ang masusunod, mas gusto niyang bumiyahe ng komportable ngunit iginiit ni Lilian na simplehan lang daw nila ang kanilang lakad. Mahigit dalawang oras ang kanilang travel time papuntang Argao kung saan pwede silang sumakay ng ferry patungo sa Bohol. “Excited ka na ba, Lil?” tinanong ni Daniella si Lilian bago sila bumaba ng bus. “Konti lang,” sumagot si Lilian. Nang iminungkahi ni Daniella na magbakasyon silang dalawa, kaagad siyang pumayag dahil natakot siya sa muli nilang pagkikita ni Alexander Ortega. Nilinlang lang niya ito tungkol sa pagbili ng pagkain ngunit wala talaga siyang balak na kaibiganin ito. Para saan pa ba? “Ako rin naman, basta mag-enjoy lang tayo sa pupuntahan natin,” sabi ni Daniella. “Pero sana ay kaya talaga natin