Nang mapansin kong balisa siya palagi ay hindi rin ako mapakali. Nag-aalala ako sa kan'ya dahil parang may tinatago siya sa akin na malaking problema. Plano ko nang kausapin siya kaya sinadya kong gumising ng maaga para may oras pa akong kausapin siya bago magtungo sa trabaho. Sa tuwing tinatanong ko siya ay palagi lang siyang humihingi ng tawad sa akin. Palagi na lang siyang humihingi ng pasensiya kahit hindi ko naiintindihan. Madalas na rin siyang wala pero binalewala ko na lang. Alam kong busy ito sa negosyo ng kanilang pamilya. Halos hindi na rin niya nabibigyan ng oras ang sariling negosyo dahil palagi siyang abala. Nang makabalik ito sa isla ay wala siyang ginagawa kundi asikasuhin ako. Gusto ko siyang alagaan pero gusto nitong ako ang kan'yang asikasuhin dahil minsan na lang daw

