Sinundan niya ako sa aking pag-alis at maging sa trabaho ay hindi ako makapag-focus. Gusto niya akong kausapin pero iniiwasan ko siya. Alam kong hindi ito mapakali kapag hindi ko siya kinibo pero napupuno na ako at gusto ko siyang bigyan ng aral. "Please hon, I'm sorry, promise hindi na ito mauulit. Maawa ka sa 'kin Amarah, please talk to me at inaamin ko na nagkamali ako," malungkot nitong sabi na pinigilan ako sa magkaliwa kong braso para hindi ako makaiwas. "Your jealousy is crossing the line. I tried to understand, but I can't," mahina kong sagot pero nilabanan ko ang kan'yang mga tingin. "You start controlling who I associate with. You even ask me who is calling me, and I can't even start a text message without asking for your consent. You're always questioning me," patuloy kong s

