Nagising ako sa isang puting kwarto na masakit ang aking ulo at gano'n din nang buksan ko ang aking mga mata. Masama ang aking pakiramdam ngunit pinilit kong tumayo. Nang igala ko ang aking mga paningin ay ngayon ko lang napansin na nandito ako sa kwarto namin ni Radd noon. May napansin din akong pagkain sa table side ng kama pero hindi ko binigay ang atensiyon ko roon. Nakita ko rin ang oras na tinanghali na ako nang gising. Gutom man ay mas inuna kong hinananap si Radd. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa ibaba. Dinaanan ko ang sala at dumiretso sa kusina. Napaluha na lang ako ng hindi ko makita si Radd. Tumakbo ako nang mabilis at isa-isang hinalughog ang bawat kwarto. Sa tuwing wala siya habang binubuksan ko ang kwarto ay mas lalo akong nasasaktan, pero nagpatuloy pa rin ako sa ak

