Ilang araw na mula ng makausap ko si Dertz sa bar. Hindi sinasadyang makita ko siyang nagmamaneho habang nakasakay ako ng taxi. Patungo sana ako sa trabaho nang bigla kong makatabi ang kotse niya sa taxi na sinasakyan ko. Nagkataon na nakatingin ako sa bintana at tinitingnan ang labas habang pula pa ang ilaw ng traffic light. Hindi ko alam kung saan siya tutungo pero may kakaiba akong kutob na baka nagsisinungaling lang siya sa akin. Malakas ang pakiramdam ko na alam niya kung nasan si Radd. Nagbabasakali ako na baka matunton ko si Radd kung susundan ko siya. "Manong driver, pakisundan po 'yung pulang kotse." "Okay po Ma'am," sagot ng driver sabay tango. Doble ang nararamdaman kong kaba nang mapansin kong dinadaanan namin ang lugar kung saan ang bahay na pingawa ni Radd. Ang bahay na p

