"Dertz..." mahina kong usal. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Lumapit ako sa gawi niya at tiningnan kung kasama ba nito ang kapatid. Ginala ko ulit ang aking mga tingin dahil nagbabasakali na kasama niya ang kapatid. Naiiyak na akong pinagmamasdan ang mga tao. Nahihilo man pero hindi ko na inalintana. Ngunit nawala ang natitira kong pag-asa ng wala akong makitang Radd. "Hindi ko kasama si Kuya Radd." Bulong niya sa akin upang marinig ko ang kan'yang boses. Sa lakas ng musika imposible ko siyang marinig kung hindi siya lalapit. Bagsak ang dalawa kong mga balikat dahil sa pagkadismaya. Umupo siya sa harap nang inuupuan ko na para ba'ng wala lang nangyari at kalmado pa rin habang hawak ang kan'yang inumin. Ngumiti siya sa akin pero hindi iyon umabot sa kan'yang mga mata. "Long

