Kahit gustong-gusto ko nang umalis ay naghintay ako kay Radd dahil sa pangako niyang babalikan ako. Pinanghahawakan ko ang pangako niya sa akin, kahit ang sakit-sakit na at gusto ko ng sumuko. Naghintay ako ng isang linggo, isang buwan at marami pang buwan hanggang sa naging taon. Pero wala na akong naging balita sa kan'ya. Hindi ko alam kung kasal na ba siya sa iba o binata pa. Buhay pa ba o patay na. Hanggang ang isang taon ay nadagdagan pa ng isang taon at hindi alam kong ilan pa'ng mga taon. Nagpasya rin akong ipag patuloy ang pag aaral ko habang nag tatrabaho. Nang makatapos ako ay sobrang saya ko. Marami akong naging kaibigan at nakilala sa school. Maging si Yana ay todo supurta lang sa akin. "Malungkot ka na naman?" bigla niyang sulpot sa aking likod habang nanunuod ako ng sunset

