Maaga akong sinamahan ni Yana na lumuwas sa Maynila para maalam kung ano ang tunay na nagyayari kay Radd. Nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng kaibigan na kasing bait niya. Mula ng makilala ko siya at naging kaibigan ay hindi niya ako pinabayaan. Lagi siyang nandito para supurtahan ako at gabayan sa lahat ng mga bagay. Nasa yate pa lang kami ay nanginginig na ang mga kalamnan ko dahil sa halu-halong mga emosyon. Hindi ko alam kung ano ang maabutan ko ro'n pero dapat akong maging matapang at alamin ang katutuhanan. Dahil hindi rin naman ako mapapakali kung hindi hindi ko aalamin kung ano ang katutuhanan. Kinakabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko upang masagot ang lahat ng mga katanungan ko. Hindi rin namin pinaalam sa magulang niya na dadalaw kami. "No matter what happens I'm s

