NANG MULING magkaroon ng malay si Raven kinagabihan ay ang kaniyang nobyong si Lhorde agad ang namulatan niya sa kaniyang tabi. “Love, ano ng pakiramdam mo? Do you need anything?” agad na tanong sa kaniya ni Lhorde. Bakas ang pag-aalala sa boses nito. Inabot niya ang pisngi nito. Mukhang napag-alala niya ito ng husto nang mawalan na lamang siya ng malay habang kumakain sila. Sandali rin niyang pinakiramdaman ang kaniyang sarili. “I-I’m fine, love,” sagot niya sa tanong nito. “Nagugutom ka ba?” Bahagya siyang umiling. “Hindi.” Kinuha ni Lhorde ang kaniyang kamay at mahigpit na hinawakan. Kapag kuwan ay hinagkan-hagkan. “Gaano ako katagal na walang malay? Ano ba’ng oras na?” “Pasado alas nuwebe na ng gabi,” anito nang tingnan ang oras sa relong pambisig. “May anim na oras ka na ring