“AKALA KO BA nag-aaya si Raven na pumunta sa kanila?” kunot pa ang noo ni Renzo na may dala pang mga prutas nang umagang iyon para kay Raven. “Oo nga. Kaso, tulog pa, eh. Ayaw ko naman siyang gisingin. Ang sarap pa kasi ng tulog niya. Teka nga, bakit may dala ka pang prutas?” taka pang tanong ni Lhorde sa kaniyang kaibigan. “Ang daming prutas dito sa bahay.” “Malay mo naman, mas gusto niya ‘yong pasalubong sa kaniya. Ikaw ba, hindi ka ba matutuwa na pinapasalubungan ka?” “At bakit kailangan mong pasalubungan ang fiancée ko?” “Gagawin mong big deal? Tss. Kung ayaw mong ibigay ko kay Raven, sige, ikaw ang kumain nitong lahat. Ngayon din dito sa harapan ko.” “Alam mong hindi ko kaya,” reklamo niya. “Eh, ‘di hayaan mong si Raven ang kumain kung hindi mo naman pala kaya. Rereklamo ka pa,