“ATE RAVEN, bakit naman po kasama pa ninyo ang atribidang best friend ni Kuya Lhorde?” bulong pa ni Andrea kay Raven nang makita nito na hindi lamang sila ni Lhorde ang dumating nang umagang iyon. “Naku, Andrea, maaga pa lamang ay nasa bahay na si Renzo. Hindi papigil sa pagsama rito. Wala naman daw siyang gagawin ngayon sa bahay nila.” “Tapos ano? Dito siya mambubuwisit? Kita mo naman kahapon kung gaano siya kaangas,” reklamo pa rin nito. Nangingiting pinagmasdan niya si Andrea. “Alam mo, Andrea, single rin ‘yang si Renzo. Baka ma-type-an mo,” tudyo pa niya. Ganoon na lamang ang pag-asim ng mukha ni Andrea. “Ate Raven, no thanks po. Hindi pa ako nauubusan ng lalaki para piliin ang mayamang mayabang na ‘yan.” “‘Wag kang mag-alala dahil hindi ka niyan hahatian sa sampung milyon mo,” na