KULANG na lamang ay magsalubong ang mga kilay ni Raven nang makita ang maagang pagdating ni Renzo. “Ang aga mo yata?” sa halip na batiin ay tanong pa ni Lhorde sa kaibigan nito. “Hindi mo man lang ba muna ako aaluking mag-almusal?” ani Renzo na naupo na sa katapat na upuan ni Raven. “Makikikuha ho ng pinggan si Renzo,” baling ni Lhorde sa kawaksi na nasa may komedor na agad tumalima. Kapag kuwan ay muling ibinalik ni Lhorde ang tingin sa kaibigan nito. “So, ano ang agenda mo? Don’t tell me, na-miss mo agad ako?” “Paalis kami ngayon, Renzo,” aniya rito. “I know. Masama bang sumama kung saan man kayo pupunta ngayon?” Nagkatinginan pa sila ni Lhorde. “Akala ko ba, may lakad ka ngayon?” muli ay tanong ni Lhorde kay Renzo. “Sinabi ko ba na may lakad ako ngayon?” umiling pa si Renzo. “Wa