TAMANG duda pa rin si Raven nang hayunin nila ni Lhorde ang silid nito. Iniisip niya na segway lang nito ang anito ay may surpresa ito sa silid nito para sa kaniya para lamang masolo siya roon. May isang linggo rin silang hindi nagpangita kaya natitiyak ni Raven kung gaano siya nitong na-miss. Nang makarating sila ni Lhorde sa tapat ng silid nito ay nag-request pa ito na pumikit siya. “Ang dami mong alam, ha?” “May surpresa nga kasi ako sa iyo, love,” natatawa na nitong wika. “Bakit ba ayaw mong maniwala?” “Paano ba akong maniniwala? Eh, nasa silid mo. Maigi sana kung nasa ibang parte ng mansiyon ninyo,” gagad niya. “Promise. Mayroon nga po.” “Kapag wala,” aniya na pinaningkitan pa ito ng mga mata. Kapag kuwan ay sinunod na rin niya ang nais nito. Ipinikit na rin niya ang kaniyang m