Chapter 50

1419 Words

“BUONG AKALA ko, pinaasa na naman ako na nakita ka na nga,” wika ni Lhorde habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Raven. Hindi maikakaila sa guwapo nitong mukha ang saya dahil sa muli nilang pagkikita. “Narito ka na at naipagkanulo na rin ako ni Andrea ng wala sa oras dahil sa biglang pagdating ni Olivia kanina.” “Kung ganoon, galing kay Olivia ang isang text message na narito ka nga raw? Kasi may isa pang text message na dumating at sinasabi na narito ka nga raw sa inyo.” Tumango siya. “At galit na galit siya dahil naunahan siya ng iba sa pagsasabi kung saan ako naroon.” Napailing-iling pa si Raven nang maalala ang hitsura kanina ng kaniyang stepsister. “Tuwang-tuwa pa siya na magiging milyonarya na siya ng dahil sa akin. Hanggang sa muli naming pagkikita, napaka-selfish pa rin ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD