KAHIT NAPUYAT kagabi, kay ganda pa rin nang gising ni Raven kinaumagahan. Tulog na tulog pa rin ang kaniyang asawang si Lhorde. Kaya naman minabuti muna ni Raven na bumaba na sa may kusina upang makapaghanda na ng kanilang almusal. Iyon ang isa sa kaniyang na-miss, ang magluto ng pagkain. Ngayon, maghahanda siya ng pagkain para sa kanilang dalawa ng kaniyang asawa. Asawa… Wagas ang ngiting sumilay sa mga labi ni Raven. At habang naghahanda siya ng kaniyang lulutuin para sa almusal ay pakanta-kanta pa siya nang mahina. Siguro, ganoon talaga kapag masaya. Nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya maka-move on sa naging kasal nila ni Lhorde. Hindi naman kasi iyon halatang minadali lang. Para din sa kaniya, napaka-magical ng kasal na iyon. Ang sarap lang ulit-ulitin sa kaniyang imagina