KAAGAD pinigilan ni Raven ang kamay ni Lhorde nang umakma itong lalapit sa may pintuan ng kanilang bahay. “Huwag kang lalabas para buksan ang gate,” saway niya rito. Nasa labas kasi ng gate ang kaniyang dating madrasta na si Patricia. “Bakit? Mukhang wala siyang balak na umalis sa labas.” Hinila niya si Lhorde paupo sa may sofa na kaniyang kinauupuan din. “Ewan ko ba, love, pero hindi maganda ang vibes ko sa paglapit ni Patricia.” “Paano kung hindi siya tumigil kaka-doorbell sa labas?” “Magsasawa rin ‘yan,” katwiran pa niya. Bumuntong-hininga si Raven. Ramdam niya na para bang weird na susulpot sa kanila ang kaniyang dating madrasta na si Patricia. Ano naman ang motibo nito? Ramdam niya, may kakaibang pakay ito sa kaniya. Dahil kung wala? Bakit ito mag-aabala na lumapit doon? Mulin