HINDI na nag-usisa pa si Raven kay Lhorde kung saan ba sila pupunta na dalawa. Bago kasi ito umuwi galing sa trabaho ay tumawag pa ito sa kaniya. Magbihis daw siya at may kailangan silang puntahan pagkauwi nito galing sa trabaho. Hindi kasama ang anak nilang si Friah. Na inihabilin muna ni Lhorde sa mga magulang nito. Ang tingin ni Raven habang bumyabiyahe ang kanilang kinasasakyang kotse ay nasa labas lamang ng bintana. Sinulyapan pa siya ni Lhorde na nakaupo sa kaniyang tabi sa may backseat ng kotse. “Love,” agaw nito sa kaniyang pansin. Binalingan naman niya ng tingin si Lhorde. “Ano ‘yon?” Humigpit lalo ang pagkakahawak ni Lhorde sa kaniyang kamay na kanina pa nitong hawak. “I love you,” tanging wika nito na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi