“LOVE, AKALA ko ba, ayaw mong i-po-formula milk si Friah?” taka pang tanong ni Lhorde kay Raven nang makita ang ginagawa niya pagkapasok nito sa loob ng nursery room. Nagpatuloy lang si Raven sa pagtatakal ng formula milk sa feeding bottle na binili niya sa mall noong nakaraan. “Love?” muli ay untag ni Lhorde dahil tahimik lang si Raven. Saka lang pinansin ni Raven si Lhorde nang matapos siyang magtimpla ng gatas. Recommended iyon ng pediatrician ni Friah. “Isipin mong mabuti kung bakit kailangan ng mag-formula milk ni Friah,” aniya na ni hindi man lamang nginitian ang asawa. Naiinis siya kay Lhorde kapag nakikita niya ito. Nilapitan na ni Raven si Friah at pinadede gamit ang feeding bottle. “Dahil malaki na siya? Pero wala pa naman siyang isang taon para magpalit ng gatas. At saka,