KINUHA NI RAVEN ang tissue at agad na pinalis ang mga luhang dagling namuo sa bawat sulok ng kaniyang mga mata. Hindi niya mapigilan na maluha tuwing gigising siya at pagmamasdan ang kanilang munting prinsesa. Masaya siya na nakakasama na nila ni Lhorde ang kanilang anak. Tama lang ang timbang ng kaniyang baby nang ilabas niya kaya hindi siya sobrang nahirapan sa panganganak. Sobrang ganda rin ni Princess Friah. “Baby,” masuyo pa niyang wika nang magmulat ang mga mata ni Friah. Humikab ito at muling pumikit. Sobrang cute talaga. Nakahiga sa crib nito, na nasa silid nila ni Lhorde, si Friah. Breastfeed kasi ito kaya doon na muna sa kanilang silid nananatili. Lalo na at nagpapalakas pa rin siya. Napabalikwas naman ng bangon si Lhorde nang makitang gising siya. “Love,” mahina pang tawa