Latrisse’s Point of View
Halos mag-isang linya ang mga kilay ko dahil sa tindi ng pagkakakunot ng aking noo. “A-Ano?” Kumurap-kurap pa ako para siguruhing hindi ako nananaginip. Kinurot ko pa ang sarili ko para mas makumbinsi ako sabay tingin sa kumikinang na singsing sa daliri ko. “Anong ibig sabihin nito, Mr. Thornwell?”
“You’ll be my wife and at the same time my plaything,” ulit nito saka umayos ng upo. “I’ll bring you to my old man’s mansion tomorrow, so you better get ready,” aniya saka tumayo na para bang wala lang ang sinabi niya.
“I...I can’t do that!” madiin kong tanggi. There’s no way I will marry him. Never! “Being your plaything is fine with me, since it will soon be over anyway. But your wife? No. I...I will not do it. That was never mentioned in the contract.”
“So you’d rather become my hòe than my wife?” aniya at diretsong tumingin sa akin.
“No. I’d rather take this humiliating position than suffer in eternity by being your wife,” prangkang sabi ko sa kanya. Hindi ako gano’n katanga para pumayag sa gusto niya, ‘no. Ang kapal ng pagmumukha niyang abusuhin ang sitwasyon. I will never let him take advantage of my situation any further.
“You got a sharp tongue, don’t you?” Tumalim ang tingin niya sa akin. “Are you sure you won’t hear me out? You might regret it, woman. Baka hindi mo pa alam na hindi lang ako ang pinagkakautangan ng ama mo.”
Doon na ako napatingin sa kanya. “A-Ano?”
Ngumisi siya. “There are small scale groups that are also after your father’s life, Ms. Yapchengco. Hindi lang sila makakilos dahil pumapagitna ako. I can’t have them kill your father yet. Hindi pa siya bayad.”
Hindi ako nakapagsalita. Just how much debt does my father owe? Mukhang marami pa silang hindi sinasabi sa akin.
“I think that’s enough reason for you to listen to me...” aniya saka siya prenteng umupo sa sofa saka muling nagsalin ng alak. “I’m sure you’ll like this deal, princess. Pabor ‘to sa ‘yo at sa minamahal mong pamilya.”
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya saka marahang tumango. Ayoko siyang tingnan dahil naiinis ako sa pagmumukha niya. “Tell me the details.”
Nahagip ng mga mata ko ang pagngisi niya saka siya uminom ng alak. “Well, my grandfather has only a few more years to live, and he doesn’t have anyone to inherit his wealth other than me. But...” Muli siyang lumapit sa akin dala-dala ang baso ng alak. “But he won’t give it that easily,” dagdag niya sabay alok ng baso sa akin.
“So, he wants you to get married to claim his wealth?” pagtutuloy ko sa sinasabi niya sabay tanggap ng baso. “Such a cliche,” dagdag ko pa at ininom ang alak, pero napangiwi rin dahil sa labis na pait at tapang nito.
“Exactly, and pure bullsh*t,” pagsang-ayon niya. “And that’s exactly why I need you to pretend to be my wife. We just have to fool the old man ‘til he gives his wealth to me, then we’ll stop.”
Gusto kong matawa sa kanya, dahil bakas sa mukha niyang hindi niya rin gusto ang sitwasyon niya. He deserves it. He deserves even a little bit of suffering.
“So we’re not really getting married?” paglilinaw ko.
“Hell no. There’s no way I’d marry someone like you,” sagot niya sa nakakainsultong tono. “We’ll fake the wedding and everything. I won’t tie myself with a woman like you,” dagdag niya pa at mahinang tumawa na para bang may nakakatawa sa sinabi niya.
Pumitik ang ugat sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Parang ang dating sa akin ay diring-diri siya sa akin. Ang kapal ng pagmumukha niyang mandiri sa akin. Hindi niya ba alam na pinag-aagawan ako ng mga kalalakihan na higit na maayos at disente kaysa sa kanya? Ang kapal!
“Well, that will really work on my favor, Mr. Thornwell. Because getting married with you would be the death of me. It’s just like bathing straight in a hellfire,” ganti ko at ngumiti sa kanya.
Kita ko ang pagtalim ng tingin niya sa akin. Mukhang naapakan ko ang pride niya. “Don’t worry, Latrisse Yapchengo, marrying you is out of the question. You’re just a disposable toy to get rid of my boredom,” aniya.
Hindi na ako sumagot. Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil baka mapunta pa ako sa alanganing sitwasyon.
“So if I agree to be your fake wife, you’ll keep protecting my father from those who want to kill him?”
“Yes. Kasi kung hindi, wala ka nang amang babalikan. Hindi na rin niya ako mababayaran, and when that happens, hindi ka na rin nila matutubos,” aniya saka mala-demonyong ngumisi sa akin. “And I know you won’t like to stay here forever, don’t you, princess?”
“No.”
“I know. And I don’t want to keep you here for a long time, too. I usually get tired of my toys after some time and discard them,” saad niya saka ngumisi. “But maybe I can sell you to someone else para kahit papaano ay makabawi ako sa pinautang ko sa ama mo.”
Hindi ko na napigilan ang galit sa mga mata ko. Alam kong wala siyang puso, but I never expect him to be this evil and heartless. But what to expect? He’s a freaking loan shark who only cares about money and would even go to the lengths of deceiving his grandfather to get his inheritance.
“That won’t happen,” madiin kong sabi. “Because I’ll make sure my father can take me back. I’ll make sure I can get out of this miserable world,” matapang kong sabi sa kanya. “So, yeah, I’ll play the role of your loving wife.”
“That’s why I knew you’d be the perfect fit for this role. It was all worth it,” aniya na para bang may ipinapahiwatig.
Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”
Ngumisi siya sa akin na para bang tuwang-tuwa siyang pinaglalaruan niya ako. “I was the one who suggested to your dad to have you as a collateral,” pagbunyag niya saka mas lumapad ang ngisi. “Good thing the plan worked.”
“A-Ano?” Ramdam ko ang pag-init ng batok ko; ang pagkulo ng dugo ko nang mapagtanto ko kung ano ang sinasabi niya. “Y-You planned all of this? You trapped me in this situation?!”
“I didn’t. I only laid out a bait, and you and your father took it,” tugon niya saka hinaplos ang aking pisngi. “Such a good catch,”pabulong niyang dagdag.
Marahas kong inalis ang kamay niya. Tiningnan ko siya ng may pagkamuhi; ng puno ng galit. “I...I hate you...” nanginginig kong sabi. Para akong sasabog. Gusto kong magwala. Gusto ko siyang saktan.
“I know. But you can’t do anything about it, princess,” tila nang-aasar niyang sagot. “I got you completely wrapped around my finger,” dagdag niya saka lumayo sa akin. “Hawak ko ang buhay mo at ng buong pamilya mo, kaya wala kang magagawa kundi sumunod sa lahat ng sinasabi ko. You’re lucky I am still giving you options,” pagpapatuloy niya saka binawi sa akin ang basong hawak ko at ininom ang natitirang laman nito.
Mariin kong ikinuyom ang kamay ko. Halos manginig ang buong kalamnan ko sa galit at pagkamuhi.
“I f*cking hate you...” bulong ko habang halos patayin siya sa mga tingin ko.
Ngumisi lang siya saka umiling. “Stop looking me with so much hatred, Ms. Yapchengco, you’re turning me on,” aniya saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. “I don’t want to f*ck you while you’re mad. I don’t want to make you moan while you’re cursing me in your head.” Dinilaan niya ang kanyang ibabang labi. “I don’t want to turn you into a f*cking masochist.”
Naikuyom ko na lang ang kamay ko. This man is insane. He is out of his freaking mind!
“Have some good rest, Ms. Yapchengo. Tomorrow’s a big day for you,” nakangising sambit niya saka niya tinawag ang dalawang kasambahay na sumalubong sa akin kanina.
“Take her to her room. Make sure she gets plenty of rest,” utos niya rito. “She has to appear well-rested and beautiful tomorrow. After all, everyone’s gonna know her as Mrs. Thornwell, the loving wife of Damien Cain Thornwell.”
Agad akong inalalayan ng dalawang kasambahay na maisuot ang damit ko saka ako dinala sa magiging kwarto ko.
Pagkapasok ko ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tahimik na umiyak—hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa labis na galit.
Humanda ka sa akin, Damien Cain Thornwell. Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang lahat nang ‘to!