Kabanata 8

1400 Words
Latrisse’s Point of View Nakangiwi akong nagising kinaumagahan dahil sa matinding kirot na naramdaman ko sa pagitan ng aking mga hita. Muntik ko pang makalimutan kung nasaan ako. But the searing pain between my legs reminded me that I am in hell—tied and restrained. Kagat-kagat ang labi ay nagtungo ako sa banyo para maligo. The cold water somehow helped lessen the pain, but it didn’t lessen the hatred I harbor for the man who ruined my life. Hindi ako makapaniwalang planado niya ang lahat—na ako mismo ang naghulog sa sarili ko sa bitag niya, at ngayon ay wala na akong kawala pa. He did not only humiliate me, but he crumbled the little pride I had for myself. He shattered the image I spent years to build. Ngayon, sobrang liit na ng tingin ko sa sarili ko. I don’t have my freedom. I lost connection with my friends, my people, and my family. I lost everything I hold dear. And lastly, I lost my virginìty. I lost one of the things that kept my chin held up high. Sa dami ng mga lalaking tinanggihan ko—mga lalaking disente at maayos, sa isang ganid at walang modo ko ito naibigay. Naikuyom ko ang kamay ko saka mas nilakasan ang shower. Kailangan ko ang lamig ng tubig para magising ako. I have to acknowledge the fact that I have to live a new life—a life in hell that I have to survive every single day. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako. Gamit ko ang pinili kong damit kagabi. I just wore a simple navy blue dress before going out with a towel wrapped around my hair. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang dalawang kasambahay na sumalubong sa akin kagabi. “Good morning, ma’am,” magalang na bati nila sa akin. “Good morning,” bati ko at tipid na ngumiti. “Ipinapatawag po kayo ni Mr. Thornwell sa dining area.” “Okay.” Sumunod ako sa kanila. Ngayong maliwanag na ang buong paligid ay ngayon ko lang din nakita kung gaano kalawak at kaaliwalas ang bahay—taliwas sa kung gaano kadilim at kaitim ang budhi at pagkatao ng may-ari. “By the way, hindi ko pa alam ang pangalan n’yo,” sambit ko sa dalawang kasambahay. “Jean po, ma’am,” pagpapakilala ng may maikling buhok. “Lily po,” sagot naman ng may mahaba at maalong buhok. Kinausap ko pa silang dalawa habang naglalakad kami. Si Jean ay 30 years old at may dalawang anak, habang si Lily naman ay 28 at single. “Ikaw po, ma’am, ilang taon na kayo?” tanong sa akin ni Jean. “26. Halos magka-edad lang kami ni Lily,” nakangiting sagot ko. “Hindi lang tayo nagkakalayong tatlo,” dagdag ko pa at kakausapin pa sana sila pero nakarating na kami sa dining area. Sumalubong sa akin ang isang mahabang marble table. Sa dulo, naroon ang demonyong si Thornwell—nagbabasa ng tabloid habang umiinom ng kape. “Are you just gonna stare?” tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. “Sit down,” dagdag niya at inilipat ng pahina ang binabasa. “Tell the cooks to serve the food,” utos niya kina Jean at Lily. Nang umalis ang dalawa ay doon niya lang ibinaba ang binabasa at tumingin sa akin. “Getting quite comfortable already, aren’t you?” aniya at ngumisi, pero ‘di ko alam kung para saan ‘yon. “Feeling at home?” Hindi ko na lang siya pinansin. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, at masasabi kong isa ito sa pinakamagandang bahay na napasukan ko. I love how the chandelier that was made of crystals made the dining room more well-lit and light. Sobrang minimalist lang ng bahay. Ang gaan sa mata. Pero sa tuwing napapatingin ako sa may-ari ay ang bigat sa loob. Maya-maya pa’y dumating na ang pagkain namin. We were served an American breakfast. Pero hindi ko rin masyadong na-enjoy dahil wala talaga akong gana. Ang hirap lumunok dahil sa sitwasyon ko. “I’m done eating. Akyat na ako sa kwarto,” walang ganang paalam ko at aalis na sana pero nagsalita siya. “No. You stay here,” aniya at tumitig sa akin. “They should arrive soon, so you better stay and wait.” “They?” Uminom siya ng kape habang nakatingin sa akin. Kita ko kung paano niya ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. “Just some people,” aniya at itinuloy ang pagkain. Maya-maya pa ay may dumating nga, at ‘yon ay mga staff ng isang luxury retail store, at pumunta sila sa bahay ni Damien para lang kunin ang measurements ko. “This way, Miss Latrisse,” magalang at malambing nilang sabi saka ako ginabayan sa living room. At habang kinukuhanan nila ako ng measurement ay ina-analyze din nila ang accessories na bagay sa akin. At ilang sandali pa ay may tinawagan na sila. “Your clothes, shoes, and accessories should arrive before lunch time, Miss Latrisse. I hope they are all to your liking. If not, please don’t hesitate to give us a call and we will arrange a new set of clothes for you right away,” sabi ng isa parang head nila. Pagkatapos ay nagpaalam muna sila saglit at nagtungo sa silid kung saan ako namili ng damit kagabi. Paglabas nila ay dala na nila lahat ng mga damit na naroon. “Where are you taking them?” tanong ko nang may pagtataka. “Well, I assume you don’t like the clothes I picked for you so I’m returning them.” Napalingon ako sa likuran ko nang magsalita si Mr. Thornwell. “You’ll get new clothes today. Just let me know if you don’t like them and we’ll pay the store a visit.” “What a good way to flaunt your wealth on me, Mr. Thornwell,” sarkastikong sabi ko. “I am not. This is how I shop, Ms. Yapchengco,” mayabang niyang sagot sa akin saka siya naglakad palapit. Aatras na sana ako para lumayo sa kanya pero tila dumikit ang mga paa ko sa sahig. Natuod ako sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi sabay lapit ng mukha niya sa akin. His deep blue eyes stared at me intensely. “And one more thing,” pabulong niyang sabi saka niya mas inilapit ang bibig sa aking tainga. “Stop calling me, Mr. Thornwell. Call me Damien or Cain,” dagdag niya saka siya bahagyang lumayo at muling tumitig sa akin. “You’ll be my wife from now on, remember?” pagtutuloy niya saka hinawakan ang kamay ko at ipinakita sa akin ang singsing na isinuot niya rito kagabi. “Come on, call me by my name, Latrisse,” bulong niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Do it.” Napalunok ako. Hindi ko maintindihan kung bakit naiilang ako sa kanya, sa titig niya. Muli niyang inilapit ang bibig niya sa tainga ko. Sa sobrang lapit ay dumidikit na ang labi niya. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. At mas lalo pa akong nailang nang maramdaman ko ang malaking kamay niya na marahang sinasakal ang aking leeg. “Come on. Call me by my name, Latrisse…” Halos hindi ako makahinga. Kay lakas ng kabog ng dibdib ko at nag-iinit ang aking pisngi. “C-Cain…” sambit ko na lang para lumayo siya sa akin, pero kay lapit pa rin ng mukha niya. Ngumisi siya. “I like the sound of my name when you say it,” komento niya saka napakagat ng labi. “I wonder how it would sound when you call me while we’re in my bed,” hirit niya saka hinaplos ang aking pisngi. “I can’t wait to have you scream my name.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay tinapik niya muna ang aking pisngi saka siya tuluyang lumayo at kinausap ang mga nagsukat sa akin. Doon ko lang namalayan na kanina pa pala ako nagpipigil ng paghinga. Ramdam ko rin ang panghihina ng aking mga tuhod. Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sa malapad niyang likod. This man is dangerous. He got my knees so weak with just that. Just that. ‘Umayos ka, Latrisse. That man is your enemy!’ sigaw ko sa utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD