01

1219 Words
Chapter 01 Jasper Ortega's POV Maaring nakakatuwa maging iisang lalaki bukod sa ama mo sa inyong pamilya like spoild ka palagi at alaga. Not until dumating ka sa tinatawag nilang puberty at nagkaroon ka na ng doubt sa sexual orientation mo like alam mong iba ka sa ibang tao na same gender mo. Ako si Jasper Rivas Ortega, gwapo— matalino, mayaman and sinasabi nga nilang almost perfect na ako. Meron akong anim na mga kapatid na babae at medyo wierd ito ngunit may tatlo kaming mommy at isang daddy. Pero wala na sigurong mas wi-wierd pa sa isang ako na mahilig sa mga cute stuff pero pinaglalaban na straight ako. Napabuga na lang ako ng hangin. Binaba ko ang hawak kong hairpin at ginulo ang sarili kong buhok. By the way balik tayo sa kwento. Paano ko ba sasabihin. Maganda bang reason na puro babae kapatid ko kaya mas komportable ako sa mga babae at may kapatid din akong mga babae kaya mahilig ako sa cute stuff? Actually, hindi ko na alam. Hindi naman ako na-attract sa kapareho kong gender like— the heck pero mas lalong wala akong interes sa babae. Nakikita ko sila as a friend and sisters. To make it short— wala akong interes sa relationship or may experience kahit 'man lang magka-crush. "Ahhh, problema nga iyan," ani ni Desiree Rivas Ortega. May freaking twin sister habang naglalaro ng phone. "Desiree! Malaking problema nga ito seryoso ako!" sigaw ko at nagpapadyak. Sa katangahan ko may naapakan akong bottle ng cologne at napadapa sa carpet. Napasubsob ako sa gilid ng kama. Tangna, may galit ba sa akin ng universe. "You know what my twin brother— wala akong maia-advice sa iyo kung hindi mag-aral ka na lang mabuti," ani ni Desiree. Napatingin ako. Nakasandal ito sa headboard ng kama at seryosong nakatingin sa akin. "Mukhang doon ka lang naman may silbi." Napa-pokerface ako. Kapatid ko ba talaga ito at sa isang sinapupunan lang ba talaga kami nanggaling. "Wala kang kakayahan lutasin ang sarili mong problema. Hindi mo ba nakikita sa academics ka lang magaling? Isa pa anong big deal kung maging gay ka?" tanong ni Desiree. Tumingin ulit si Desiree sa phone niya. "Maghanap ka ng boylet then maraming babae para hindi ka ma-dissapoint sina daddy kung mas prefer mo ang boys. Bigyan mo muna sila ng isang dosenang apo," ani ni Desiree. Tinanong ko kung may ia-advice pa ba siyang mas matino sa last na sinabi nito. "Magbigti ka? Kailangan mo ba ng tagatulak ng upuan?" taning ni Desiree. Binato ko siya ng bottle ng cologne. Tumawa si Desiree at nag-i love you sa akin. Tumayo ko at naglakad patungo sa pinto para lumabas na ng room ni Desiree. "Saan ka pupunta?" tanong ni Desiree. Napasimangot ako at binuksan ang pinto. "Magbo-beuty rest mas nai-stress ako kapag kausap ka," ani ko at lumabas. Sinara ko ang pinto. Nakita ko si Fider na may buhat na mga comforter. "Need mo ng help?" tanong ko at lumapit kay Fider. Tumawa si Fider at sinabing huwag na kaya niya na iyon. Ni-head to toe ko si Fider— halos magkaedad lang sila ni Fider ngunit mas matangkad ito sa kaniya at maganda ang pangangatawan. Tinanong ni Fider kung bakit ko siya tinitingnan. Hinawakan ko ang kamay niya at seryoso siyang tiningnan. "Fider, gawin mo akong lalaki," ani ko. Napatigil si Fider then biglang may tumulak sa mukha ko galing sa likod ni Fider. Nakita ko si Destiny na naka-pokerface. Napaatras ako at hinawakan ang mukha ko. "Bakit ka ba nanunulak?" tanong ko at napanguso. Pinuluputan na naman kasi ni Destiny si Fider na agad namula matapos yakapin ni Destiny ang leeg ni Fider at tingnan ako. "Ano sa tingin mo si Fider? Magician?" tanong ni Destiny . Tumawa si Lucky at sinabing tumungo ako sa simbahan. Magpabendisyon ako baka malinawan ang isip ko. "Bakit kayo ganiyan sa akin. Hindi niyo siniseryoso problema ko!" ani ko at nag-cross arm. Napa-pokerface si Destiny at sinabing mula 12 years old iyon na ang problema ko. "Wala na bang bago?" tanong ni Destiny. Natawa si Fider at pumagitna sa amin tatlo. "Walang mali kay Jasper okay?" ani ni Fider. Niyakap ko siya sa braso at sinabing wala nga. "Bitawan mo nga si Fider!" Tinulak ng dalawa ang mukha ko. Sinabi kong tulungan na nila ako. Gusto ko maging lalaki. "Anong ginagawa niyo diyan apat? Ang lalaki niyong harang." Napatigil kaming apat at lumingon nakita ko si ate Phinea. Agad ako na lumapit at hinawakan siya sa braso. "Ate help mo ako. Kahit ano gagawin ko para maging lalaki!" sigaw ko at maluha-luhang nakatingin kina ate. Napataas ng kilay si ate at ni-head to toe ako. "Jasper, lalaki ka naman diba?" tanong ni ate at may tinuro sa ibaba ko. "Napalitan ba iyan ng hindi namin nalalaman?" tanong ni ate. Namula ako at tinakpan iyon. Sumigaw ako ng ate dahil nakaramdama ako ng hiya. Narinig ko pang tumawa sina Lucky at Destiny. "Patingin nga kami Jasper," ani ni ate Palisia na pinipigilang matawa. "Ate!" sigaw ko. Natawa sina ate Phoebe at sinabing nagbibiro lang sila. "Ayaw mo naman kasi gawin iyong mga pinagagawa namin sa iyo like mag-girlfriend ka na," ani ni Palisia. Bumagsak ang balikat ko. Hindi naman kasi ganoon kadaling humanap ng girlfriend. "Hindi magandang idea iyon. Naalala niyo noong prom— may nilapitan siya na girl at tinanong kung pwede ito maging girlfriend out of the blue. Sinabi nito na lalaki hanap niya hindi isang girl at ayaw niya din sa gay," ani ni Lucky at tumawa. Narinig ko pang nagsalita si Fider at sinabing huwag ng i-bully ako. "May mga nililigawan naman ako kahit hindi ko sila totally na type at like— kung hindi kasi nila ako nire-reject dahil mukha akong girl nare-reject nila ako kasi napagkakamalan nila akong girl," ani ko na totoo naman. May nagkakagusto naman sa akin at tanggap ako ngunit— siguro nais ko lang ng reason para hindi magkaroon ng girlfriend. Sinasabi kong ayaw ko sa kanila at pini-friendzone. Napaupo ako sahig at niyakap ang tuhod ko. Legal age na ako at sa 18 years existance ko wala 'man lang akong girlfriend at hindi 'man lang nagka-crush. "Hey natural lang naman iyan kasi pareho tayo," ani ni Fider. Napatigil ako at napalingon. "Huwag kang ma-confused at mag-doubt like— wala kang nagugustuhan dahil may problema ka sa sexual orientation mo. Wala din naman akong crush kasi may mga sarili akong preference at standard. Napakamot sa pisngi si Fider. "Eh ano sina Lucky? You bastard, niloloko mo ba mga kapatid ko?" pinaningkitan siya ng mata. Napangiwi si Fider. "Hindi iyon ang point ko dito. Natural na may karoon ka ng crush at ma-attract sa maraming babae ngunit iba ng usapan kapag natagpuan mo na iyong para sa iyo?" ani ni Fider. Sinabi ni Fider na bukod kina Lucky wala na siyang ibang nagustuhan. "Sina Lucky at Destiny lang pinakamaganda para sa akin. Kung siguro ma-attract ako sa ibang babae kung sakali siyempre mas maganda dapat sa kanila." Sinabi ko na imposible. Natawa si Fider kaya sinabi niya na isantabi ko na muna ang girlfriend girlfriend na iyon dahil kusa iyon dadating. "Wala din naman mali sa iyo. Hindi porket mahilig ka sa pink at cute stuff hindi ka na lalaki. Cut that nonsense."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD