Blurb

878 Words

Blurb

"You look confused. Anong problema?" tanong ni Desiree Rivas Ortega matapos makita ang kakambal na nakaupo sa gilid ng kama at may hawak na dress.

"Sa tingin mo madi-dissapoint sina mommy kung sakali nga na gay ako?" tanong ni Jasper. Napaubo si Desiree at napatakip ng bibig. Nag-act ito na nagulat.

"Ow nagulat ako. Sinasabi mo ba na bakla ka?" tanong ni Desiree. Lumingon si Jasper at tiningnan ng masama ang kapatid.

"Look seryoso ako dito. Wala akong sinabing bakla ako. Paano kung bakla nga ako? Tinatanong ko kung magagalit sina mommy specially si dad," ani ni Jasper. Tumawa si Desiree at lumapit. Tinapik ang balikat ng kapatid na lalaki bago umupo.

"Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae.

"Na-attract ka sa lalaki?" sunod na tanong ni Desiree. Napakamot sa ulo si Jasper.

"No?" patanong na sagot ni Jasper. Napa-pokerface ang kakambal.

"Huwag ka masyadong mag-overthink kapatid. Mababaliw ka nan like— ganoon din naman ako. Hindi ako na-attract sa lalaki like kasi masyadong mataas ang standard ko," ani ni Desiree. Tiningnan siya ni Jasper ng inosente.

"I thought sa nabaliw," ani ni Jasper. Binatukan siya ng kakambal at sinabing umalis na ito sa room niya at bitawan ang dress niya.

"Wait akala ko ba magpapatulong ka sa make up! Ikaw nagpapunta sa akin dito.

Wala naman problema si Jasper like magaling ito sa academics, gwapo and masasabi mong almost perfect na talaga dahil mabait din ito. Friendly at mabilis mag-adopt sa kahit na anong sitwasyon at environment.

Except na lang talaga sa pagiging confused nito sa sexual orientation niya at pagiging clumsy. May mga habit kasi si Jasper Ortega at mga preference na talaga naman— magdududa ka kung straight ba ito o hindi.

Mas prefer ni Jasper ang make up, art at paggawa ng mga designs kaysa mag-aral ng martial arts at sa sports. Gusto din ni Jasper na something na cute katulad ng pink sweater, hairband and hairpin sa madaling salita mas prefer niya iyong something na girly kaysa sa mga bagay na magmumukha siyang manly.

Isama pa na mas komportable siya na makipag get along sa mga babae na medyo hindi normal sa mga straight. He found it wierd specially wala siyang nararamdaman na something special makipag-get along 'man siya sa boys or sa girls.

Pero dahil nga sa mga preference ni Jasper madalas siya nabu-bully at napagtitripan.

"Hey nandito si purple guy."

Natakot si Jasper. Wala si Fider doon dahil kinuha nito ang bag nila at wala siyang kasama.

Nakabangga niya ang mga ito last time noong papasok siya sa venue ng event. Aalis si Jasper nang may humarang sa kaniya na isa pang estudyante.

"Dude, sayang ang ganda," ani ng isa sa mga ito at hinablot ang panga niya. Tumawa ang mga ito at sinabing huwag papaloko. May alaga din iyan.

Agad na naitulak ni Jasper iyong lalaki bago pa mahawakan ang bagay na nasa pagitan ng mga hita niya.

Tumawa ang mga ito matapos siya bumagsak sa sahig. Gusto niya na umuwi.

Tiningnan ni Jasper ang palad niya na nagasgasan. Tiningnan ni Jasper iyong mga lalaki na nasa harapan niya at may naiiyak na expression.

Natulala ang mga ito. Napasubsob ang isa sa mga ito sa lupa matapos may lumipad na bag.

"Wala kayong kadala-dala. Hindi ba sinabi ko sa inyo na huwag kayong gagawa ng gulo lalo na sa loob ng campus?"

Napatigil si Jasper Rivas Ortega. May apat na babae na naglalakad palapit sa kaniya. Iba ang uniform ng mga ito at may selyo ng student council ang mga uniform nito.

"Ang student council!"

Nagtakbuhan ang mga ito paalis. Napataas ng kilay ang isa sa mga babae matapos makitang dalawa sa mga ito ang nadapa.

Pilit na tumayo si Jasper at kinuha iyong bag na nasa paanan niya. Tiningnan niya iyong apat na babae.

"Jasper Ortega?"

Napatigil si Jasper matapos banggitin ng isa sa magagandang babae ang pangalan niya.

"Isa ako sa mga kasali sa art competition," ani ng isa sa mga ito. Nahihiyang yumuko si Jasper at sinabing alam niya. Lagi niya nakikita ang apat.

"How cute? What's your name puffin?"

Napaangat ng tingin iyong babae na nasa unahan. Ngumiti ang babae at nilagay ang buhok sa likod ng tenga. Namula si Jasper— lalo na ng makita nito ang maputing leeg ng babae.

"Are you okay?"

Nataranta si Jasper. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang ibit matapos may pumasok na scenario sa isip niya kung saan nasa ilalin niya ang babae.

Tumakbo si Jasper palayo. Nadapa pa ito at nasubsob sa bag. Ngunit agad din ito tumayo at binitbit ang bag.

"Sinabi ko na ang pangalan niya kanina Ceres bakit kailangan mo pa itanong ulit?"

"Shut up," ani ng babae na mabilis din nagbago ang expression kalaunan ay napangisi.

"I think magkikita pa kami," ani ng babae. Napataas ng kilay si Vesta.

"Paano mo nasabi?" tanong ng dalaga. Nilingon ni Ceres ang tatlo at sinabing dinala ng little puffin niya ang bag niya.

"Natawa ka pa. Nandoon ang budget plan ng university natin diba?"

"Ceres Wu Victoria! You bitch!"

Free reading for new users
Scan code to download app
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeAdd