bc

The Mafia's Daughter (on going )

book_age18+
3.5K
FOLLOW
17.4K
READ
spy/agent
family
age gap
second chance
mafia
drama
twisted
bxg
heavy
small town
like
intro-logo
Blurb

Talakayin natin ang isang mahiwagang kwento ng isang Mafia's Daughter. Sabay-sabay nating tukuyin at alamin ang bawat yugto ng storyang aantig sa ating mga puso.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Jella's POV
"Okey! Dismiss!" nanlilisik ang mga mata ni Miss Guada, ng tingnan kaming lahat na nasa harapan n'ya. Si Miss Guada, ang matandang-dalagang Professor namin. Graduating na ako sa kursong Agricultural engineering. Yes! Because I love farming. gusto ko kasi, ako ang mamahala sa hacienda na minana pa ni Mommy kay Lolo Carlito. Isang buwan nalang tapos na ang semister sa taong ito at graduation na namin. Sa wakas at na sungkit ko ang Cumlaude. Tiyak matutuwa sila Mom at Dad. Napa-ngiti ako ng isipin 'yon. Napa tingin ako sa palapulsuhan. Napa-ngiti ako dahil alas-kwatro na ng hapon, "Thank god! Uwian na din." Tumayo na ako at nag pag-pag ng pang-upo. Nandito kaming lahat sa feild. Ewan ko ba sa Prof. naming ito Ang hilig-hilig n'yang ibilad kami sa araw. Basang-basa na naman sa pawis ang likod ko. "Hey, Jella Bartolome!" Sumimangot ang mukha ko ng marinig ang buong pangalan ko. tinig na nag mumula sa likuran ko. Papunta na ako sa locker room ng marinig ko ang malakas na sigaw. Mabilis ko itong nilingon. Si Rina, pala Ang bestfriend kong spoiled sa'kin. Abot tenga ang ngiti niya habang Tumatakbo patungo sa kinaroronan ko. Hingal-aso pa siya ng huminto sa tapat ko, at lumalaki pa ang butas ng ilong niya. "Oh, Rina. Problema mo?" Taas kilay kong turan bago magpapatuloy sa pag hakbang patungo sa locker room. "Jel, wait!" Mabilis niyang hinawakan ang braso ko, upang pigilan. Napa-buntong hininga na lamang ako, sa kakulitan nito. "Fine! Ano ba 'yun?" "Jel? can you go with me tonight? Please-" naka-nguso pa siya, matapos mag-salita. "Rina, alam mong hindi ako, pwede ngayon. Dumating ang Dad, ko. And I need to hurry baka ma late ako sa dinner namin," tinalikuran ko na siya, matapos tumugon. Hindi ko man nakikita ang reaksyon niya, pero alam kong naka-busangot na ito. Mag-papasama na naman 'yon sa Bar dahil Friday ngayon at bukas walang pasok. Kaya araw ng wal-wal nito. Best friend ko si Rina, magka-edad lamang kami, parehong Eighteen years old. Ang kaibahan lang, spoild brat ito. Pero mabait s'ya, kung kaya mabilis ko itong nakapalagayan ng loob. Alam niya, na kapag nasa bahay ang Dad ko, hindi ko siya mapag- bibigyan sa gusto n'ya. Dahil alam niya ang lahat tungkol sa istorya ng buhay ko. Pag-katapos kong mag palit ng damit sa locker room, ay dumeretso na ako sa parking lot. Mabilis kong pina-andar ang makina ng sasakyan ko at pinasibad ito. Med'yo kinakabahan ako ngayon na makita si Dad. Dalawang buwan itong nag bakasyon sa Europa. Napangiti ako sa naisip. Tama! Ipapakita ko nalang sa kanya ang card ko. Siguro naman matutuwa 'yon kapag nakita n'yang matataas ang marka na nakuha ko. Nang marating ko ang bungad ng gate ng bahay namin, ay hindi agad ito bumukas. Nasaan ba si Manong Lito? Naka-ilang serbato pa ako, bago bumukas ang gate, kaya nag-patuloy na ako sa pag maneho. saglit kong hininto ang kotse at binuksan ang wind shield. dinungaw ko si Manong Lito kaya bahagya siyang nag kamot ng ulo. "Pasensya na po Ma'am. May inutos lang po si Don Ramon, kaya natagalan sa pag bukas," namumutlang tugon nito. "Ayos lang ho." Tipid ko siyang nginitian instead na pag sabihan. Lahat ng mga kasambahay namin, natataranta kapag nandito si Dad. Sino ba naman ang hindi man lalambot sa Daddy ko, titig pa lang nakakamatay na. Tumuloy na ako at ginarahe na ang sasakyan. Humahalak-hak si Dad ng maabutan ko sa sala, nandito pala pati sila Ate Janna, at ang asawa nitong si Kuya Charles. "O, Jella." tawag pansin ni Mommy, napa lingon silang lahat sa'kin. Tipid naman akong ngumiti. Na-iilang pa akong humakbang patungo sa kanila. "Hi, Mom," bati ko at Bumeso ako dito at ganun din kay Ate. Nginitian ko lang si kuya Charles, at tumango lamang siya. "Dad." yayakapin ko sana siya, pero hindi na tuloy nang mag tanong s'ya. "How's your study?" Tiningnan lamang ako nito ng blankong ekspresyon sa mukha. Nawala ang mga ngiti nito na kanina lamang ay abot tenga. Pilit akong ngumiti at itinabi ang kaba, "Ah, m_mabuti naman po!" "Good." walang ganang tugon nito. Mabilis kong binukasn ang back pack ko at kinuha ang Card. "Ito nga pala ang mga grad-" hindi ko natuloy anh sasabihin nang bigla siyanh tumayo at nilagpasan ako. "Lumen, handa naba ang mga pagkain? Nagugutom na ako." saad niya habang tinungo ang kusina. Tila nahilaw ang ngiti ko. Napa-kagat ako sa ibabang labi at muling ibinalik ang card sa loob ng bag. "Jella, Anak. Mag palit ka na ng damit, at kakain na tayo." Nilapitan ako ni Mommy at inalo alo ang likod ko. Tipid ko itong nginitian bago tinungo ang hagdan patungo sa kwarto ko. Sinara ko agad ang pinto at isa-isang pinunasan ang mga takas na luha. Napa-ismid ako. ''Mukhang di kana nasanay Jella, kahit kaylan, hindi ka mapapansin ni Daddy, hindi tulad ni Ate Janna, dahil s'ya ang paboritong anak, kaya laging napapansin.'' Kastigo ko sa sarili Naiingit ako kay Ate, pero hindi ako galit sa kanya. Minsan naisip ko, kung anak ba talaga nila ako? Ni minsan hindi ko naramdaman 'yun. Oo sa salapi, lahat ng kaylangan ko nabibigay nila. Pero yung pag-mamahal? Hindi ko makita! Napalingon ako sa pinto ng may kumatok. "Senyorita, pinapababa na po kayo ni Senyora." "Opo Manang Lumen, susunod ako," tugon ko habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi. Pagkatapos kong mag palit, ay bumaba na ako. Naabutan ko silang nag-uusap habang kumakain. Nakita ko si Ate na naka-ngiti habang kausap ni Dad. Napansin ako ni Mommy kaya agad nitong tinapik ang katabing upuan. Agad naman akong umupo sa tabi niya. "Kain kana Anak," bulong ni Mom, sa'kin. Tumango lamang ako. "So, kelan n'yo ba kami bibigyan ng Apo, Dalawang taon na kayong kasal, pero hangang ngayon wala pa kayong anak." wika ni Dad, bago sumubo ng pag-kain. "Dad, wala pa po kaming plano. Tsaka bata pa naman kami. Maybe nextyear pag planuhan namin," tugon ni Ate. Nag taas lamang ng balikat si Dad. Pinapakingan ko lamang sila. Parang wala lang ako sa paningin nila, lahat na lang puro Janna, Janna. Napa-angat ako ng tingin ng lumapit ang isa sa mga body guards ni Dad. May binulong ito, kaya ganun na lamang ang reaksyon ni Dad. Salubong ang kilay nito at nag tangis ang panga. "Ramon, what's going on?" Mom, asked worriedly. "Bulilyaso na naman! Ang tatanga!" Padabog na tumayo si Dad at umalis. Tumayo na din si Mommy at sinundan nito si Dad. Nilingon ko si Ate, ngunit bakas sa mukha nito ang pag-alala kaya hinawakan ni Kuya ang kamay nito. "Tatawagan ko si Papa, about this Babe. Don't worry." dinig ko mula kay Kuya Charles. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pinoproblema nila. kaya di ko mapigilan ang mag tanong, "Ate, may alam ka ba sa problema ni Dad?" "Jella, please.. not now okey? Kumain ka nalang." paki-usap ni Ate. Hindi na ako nangulit, mukhang seryoso ang problema nila. Matapos akong kumain, ay naisipan ko ng pumasok sa kwarto. Nasa dulo ang kwarto ko kaya madadaanan ko ang kwarto nila Ate. Nasa ikatlong palapag naman kina Mommy. Nagbago ang isip ko, parang gusto kong lumanghap ng sariwang hangin, kaya naisipan kong pumunta sa roof top. Mabilis kong hinakbang ang mga paa, at halos takbuhin ko na ito. Lalagpas na sana ako sa kwarto nila Mom, ng marinig ko ang boses ni Dad. Kaya huminto ako, at bahagyang nilapit ang tenga sa pinto. "Kaylangan n'yong gawan ng paraan! Mga inutil! H'wag n'yong hahayaang kumanta ang gagong 'yun! Kundi uubusin ko ang pamilya n'yo!" Na-ilayo ko ang mukha sa pinto nang may kung anong bagay ang tumama dito. Mukhang galit na galit, sanay na akong makarinig ng ganitong salita mula kay Dad, pero, ano ba talaga ang nang-yayari? "Ramon, kumalma ka! Ang presyon mo, baka tumaas!" Nag alalang sabi ni Mommy. "Leticia, malaking nawala sa'tin! now tell me, how can I calm!?" "I know! Pero Ramon-" "Stop! Hindi ka nakakatulong!" sigaw ni Dad. Bigla kong na ilayo ang tenga mula sa pagkaka-dikit sa pinto ng bigla itong bumukas. Napa mulagat ang mata ko ng makita si Dad, na nag salubong ang kilay, "What are you doing here!?" Namulagat ang mga mata ko at halos di di ko mabuka anh bibig, "Ah! N_napadaan lang po! Pupunta sana ako sa roof-." "Get out of my way!" napasinghap ako ng tabigin ako niya, kaya halos matumba ako "Anak?!" Mom, voice was shaking nang makita nya akong muntik matumba. Agad nya akong nilapitan at niyakap, "Are you okay?" dag-dag pa niya. "Mom?! Ba't ganun si Dad?" naluluha kong tanong. "Sshh, may problema lang 'yon, wag mong intindihin hmm?!" tumango-tango ako dito habang yakap-yakap niya ako. All this time, si Mommy lamang ang nag ko-comfort sa'kin, kapag napapagalitan ako ni Daddy. Ano ba ang dapat kong gawin, para mapansin ako? Sa tuwing nakikita n'ya ako ay para bang nag-iiba ang timpla ng mood niya. Pakiramdam ko napa-kalaki ng kasalanan ko. Madilim na ang kapaligiran narito ako sa roof top at pinag-mamasdan ang kawalan. Sana naging bituin nalang ako, siguro lahat sila mapapansin nila ang pag kinang ko, kahit tuwing gabi, na kapag payapa ang kalangitan. Mabuti pa yung iba, kahit salat sa pera, mayaman naman sila sa pagmamahal. Ako? ito, nanlilimos ng pansin. Ginagawa ko naman ang tungkulin ko bilang isang anak. Hindi pa ba sapat 'yon? Bigla akong napa bangon mula sa kinahihigaan, ng mag ring ang cellphone ko. Numero lamang ito, pero sino ba kasi yun? Pinatay naman agad. Hmm! Di bale na nga. I was about to lie down when I heard something. Kaya napa bangon ako at sinilip ang gawing likuran ng bahay. Naningkit ang mga mata ko ng makita ang mga kalalakihan. Hindi ito mga body guards ni Dad, pero bakit may mga baril ang mga ito? At may inaakay akay pa sila, na tila wala ng buhay?! May kung anong tambol sa dib-dib ko ng makita ito. Mabilis akong umalis at tinungo ang ibaba. Sa exit na ako dumaan, para hindi ako mapansin nila Mom, gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari? Nanginginig ang mga tuhod ko habang pababa sa bakal na hagdan mula sa roof top. Agad akong nag hanap ng mapag kublihan upang hindi nila makita. Nakita ko ang isang mayabong na bulaklak at dito ko napiling mag tago. Maya-maya pa ay dumating si Dad. "Kung hindi ba naman kayo tanga! Hindi sana ito nangyari!" "Lord, parang awa n'yo na. Gusto ko pang mabuhay." wika nung lalaking duguan ang mukha, na akay-akay ng dalawang kalalakihan. Teka, Lord? Lord ang tawag nila kay Dad? Naguguluhan na ako.. "Tarantado! Muntik mo pa akong ipahamak! Alam mo ba kung ano ang nawala?! Huh!?" Humadusay ito ng suntukin ni Dad. Namulagat ang mga mata ko sa sumunod na ginawa nito! Inabot niya ang baril na kwareta'y singco at Pinaputukan niya ang kawawang Lalaki. napa takip ako ng tenga. At pinikit ang mga mata. Ito ang unang beses kong makakita ng pinapatay, at si Dad, pa mismo ang gumawa. I can't believe it! "Ligpitin 'yan!" utos ni Dad. Isa-isa kong dinilat ang mata, at kita ko kung paano nila ito isinakay sa itim na ford. I never thought, that he would be able to kill. ***** kinabukasan, tinanghali Ako ng gising. pagkabangon, ay gumayak agad ako. mabilis na pag ligo lamang ang ginawa ko. nagmamadali akong bumaba ng hagdan, ngunit pag dating ko sa sala ay ni isa kila Mom at Ate ay wala napabuntong hininga na lamang ako. biglang kumirot ang ulo ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. hindi kasi ako naka-tulog ng maayos. "Manang, na saan sila?" kunot-noo kong tanong. Mabilis naman ito nag punas ng kamay bago ako hinarap, "Ah, Senyorita. Maaga po silang umalis." "Ganun ba? Sige alis na ako," walang gana kong sagot. "Teka, hindi ka ba kakain?" mabilis na wika nito. "Sa cafeteria nalang po," tugon ko habang papalabas ng bahay. Mabilis kong tinungo ang sasakyan, at pina sibad ito. Sabado ngayon, pero pupunta ako sa paaralan. Wala lang, gusto ko lang tumambay dun. Sa totoo lang sa Maynila ako pina-paaral ni Mom. Tulad ni Ate, na grumadweyt sa pinaka sikat na University sa Maynila. Pero tumangi ako, mas gusto ko dito nalang sa Batangas. Pero kahit kilala ang pamilya namin sa buong Batangas, ay hindi nila alam na anak ako ng mga Samaniego. Mom, said its for my security na daw, at dahil nasa probinsya kami at maraming mga taong mapag samantala. Only Rina knows my story. Dahil minsan na kami nitong nakita noong nag bakasyon kami sa Europa. Laking gulat nito ng malamang Samaniego ang mga magulang ko. "Hello Rina?" mabilis kong sinagot ang ang tawag nito. "Sure! Sige on the way na ako." mabilis kong niliko ang sasakyan At inilihis ang takbo. Rina's invite me to their house. Mabuti na rin siguro kung dun ang punta ko. I drove the car fast, so I could get to their house faster. "Jel!" Sigaw ni Rina, ng makapasok ako sa gate nila. pinarada ko lamang ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Kumaway kaway pa ito mula sa roof top ng bahay nila. Nagsalubong ang kilay ko ng mapansin ang tatlong kalalakihan sa may garden. Ang isa sa kanila ay ang kuya ni Rina, na si Kuya Xavier. Kuya Xavier is a complete package! He's my ultimate crush. Pero ako lang ang nakaka-alam nun! Ayoko ko kasing tuksuhin ni Rina. Pero, sandali? The two guys with him is so- " Jella!! Akyat na dito!" nai-angat ko ang mukha ng muling humiyaw itong si Rina. Mabilis kong hinakbang ang mga paa at hindi na muling tiningnan sila kuya Xavier na nag tatawanan. "Hey Girl! Ang bagal mo ha! Kanina pa ako dito na di mapakali!" nag-sasalita ito habang naka-tutok ang mga mata sa telescope. Natatakpan ito ng halaman kaya hindi mapapansin ang kinaroroonan niya. Sinundan ko ang tinitingnan niya, at tama! Sa pwesto nila Kuya Xavier. Napa-iling nalang ako. "Hindi ka pa ba tapos manilip?" natatawa kong lintaya habang tinutungo ang round table na may mga single chair. Umupo ako at nag salin ng juice sa baso. "Bessy!! Ang gwapo talaga ng friend ni Kuya!" pumipikit-pikit pa ang mata nito habang papalapit sa kina-uupuan ko. "Kilig na kilig ka naman? Hello?! I'm sure ka edad lang ng Kuya mo ang mga 'yon!" taas kilay kong wika. "Che! Age doesn't matter no?! Tsaka alam mo ba? Ang lambot ng palad n'ya! At ang bango pa!" inaamoy-amoy pa ang kamay nito at sabay hinahalikan, "Alam mo bang tatakbo s'ya ng Mayor?" dagdag niya. Hindi ko alam kung sino sa dalawang kasama ni Kuya Xavier ang tinutukoy nito. "O, tapos?" "Hoi best! Pinaka-batang Mayor of town, sakaling manalo s'ya! I'm sure! Mananalo sya! Sa gwapo at macho nyang 'yan? Susko! Mas gwapo pa sya kay-" "Kay Jobert?" agarang tukso ko. "Che! Panira ka! Ba't mo pa sinali yung Juts at manloloko na 'yon?" kunot-noo nitong lintaya. "Ows? Pero iniyakan mo?!" Humalak-hak ako matapos sabihin ito. Nahuli kasi nitong may ibang kahalikan ang dating nobyo sa Bar. Kaya hiniwalayan na n'ya. Ang bilis ngang makapag move-on nito eh. "Tado! Naiyak ako sa inis! Hindi sa sakit! Ke-pangit, manloloko! Kaya asa s'ya na mababalikan ko!" taas kilay niyabg saad. "Okey! Sinabi mo, eh. Pero teka! Naiihi na ako." Mabilis akong tumayo, at tinungo ang banyo sa baba. Kabisado ko na ang pasikot-sikot sa bahay na 'to, kaya hindi na ako maliligaw papunta sa banyo. Halos takbuhin ko na ito, dahil ihing-ihi na ako. Mabuti nalang at walang tao pag-dating ko. Nang matapos akong umihi ay bubuksan ko na sana ang pinto, pero di ko tinuloy ng maka-rinig ako ng umuungol? Sh*t! Sino ba 'yon? Tila na tuod ako at diko mabuksan ang pinto. "Aaah! Please f*ck me harder!" tila nanindig ang mga balahibo ko sa narinig! Ang laswa! "I'm cumming Mark! Aah......" Mga bastos! Dito pa talaga sila mag-kakalat? Hindi na nahiya sa may-ari ng bahay! Hindi ko na natiis at mabilis kong inabot ang doorknob at padabog ko itong binuksan. "God Mark! may tao!" dinig ko pa ang babae na tila nagulat ito sa ginawa kong pag-bagsak ng pinto. "O, Jel? Bakita ang tagal mo?" wika ni Rina, nang makasalubong ko siya. "O, ikaw bakit nandito ka sa baba?" balik tanong ko. Baka kasi marinig nito ang kababalaghan sa banyo nila. "Naubos na kasi ang juice natin, kukuha sana ako-" Narinig kong bumukas ang pinto sa tabi ng pinag-ihian ko, kaya gusto ko ng umalis, baka makita pa nila ako. "I have to go Rina," "What?! Akala ko ba-" "Sige na, hinahanap na ako s'amin." saad ko at nag-mamadaling tinungo amg labas ng bahay. "But, Jella!?" **** Dalawang araw ng wala sila Mom! Nakaka-inis. Alam kong busy sila sa negosyo at mga charity namin. Kung kaya't minsan hindi na sila nakaka-uwi ng bahay. Kaya ito papasok naman ako sa paaralan ng hindi sila nakikita! Nasa pathway pa lang ako, nakita ko na sa may tambayan namin si Rina, naka upo ito, at may tinitingnan na hawak n'ya. kaya agad ko itong nilapitan. Naningkit ang mata ko na mapansin ito, "Rina? Are you crying?" Mabilis n'yang pinunasan ang mga tumutulong luha, ngunit sa isang picture parin ito naka-tingin. "What's that?" takang tanong ko, sa hawak nito. Ngunit hindi parin ito sumasagot. Mabilis ko itong kinuha at pinasadahan, isang Lalaki na kulang ang salitang napaka gwapo. Ang mga ngiti nito na nakaka-tunaw. The round bluish eyes, ilong na matangos, ang the heart shape lips. Isama mo pa ang pantay-pantay na mapuputing ngipin. At nag iisang biloy nito. "O! H'uwag mo nang titigan masasaktan ka lang!" garalgal na boses nito. Napa-tingin ako dito ng magsalita, "Ano ba kasi ang nangyayari sayo? At nag dadrama ka d'yan?!" "May kasama s'ya kahapon. Maganda, sexy, pang miss universe. Sabi ni kuya Xavier, model daw!" taas kilay na wika nito habang patuloy sa pagluha. "Teka-teka, isa ba s'ya kahapon dun sa kasama ni Kuya Xavier?" agarang tanong ko Tumango lamang ito. ''So, lahat sila may kasamang Girlfriend?" dugtong ko. Muli itong umiling. "S'ya lang! Nakita ko sila sa kusina kahapon magkahawak kamay! Ang sakit bes! Crush ko yan eh!" pag-mamaktol nito. I see, mga haliparot na 'yon. Kung narinig lang nito ang narinig ko sa banyo, ewan ko nalang. Baka mag lumpasay na ito. "Crush mo lang, hindi mo Boyfriend! Rina, wala kayong Level! Kaya wag kang OA d'yan." pag-saway ko. "Che! Panira ka! Nag-eemote ako eh. Pero tandaan mo, mai-inlove din sakin 'yang si Kuya Marc," pina-ikot pa nito ang itim sa mata. "Ang sagwa best! Kuya?! Eew!" pang-aasar ko. "Che! Palibhasa di kapa nag kaka boyfriend!" ganti nito. "Ewan ko sayo. Tara na nga!" inaya ko na ito na pumasok sa classroom, baka kung saan naman mapunta ang usapan. **** Hapon na, at ito nauna akong umuwi kay Rina. Kaylangan kong umuwi agad, at baka nasa bahay na sila Mommy. At hindi nga ako nag kamali, naka-garahe na ang mga sasakyan nila pag-karating ko sa bahay. Pagka-baba ko ng sasakyan ay di-direcho na sana ako sa loob ng bahay. Ngunit napahinto ako ng marinig ang boses ni Dad. Naka-tayo at naka-talikod ito sa may pasilyo. May ka-usap ito sa cellphone, kaya hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan. "Kaylangan mong manalo sa darating na eleksyon! Kung kinakaylangan bayaran ang mga tao para botohin ka gawin mo! Pahirap na talaga yang Gobernador na 'yan! Kaya dapat mong talunin!" Tumahimik ito sandali, siguro pinapakingan ang nasa kabilang linya. "Yeah! Good idea! Yan din ang naisip ko, we need a spy sa loob ng bahay nila!" Lumingon ito, dahilan ng pag ka gulat ko. Tila nanginig ang mga tuhod ko ng tingnan ako nito! pero iba ngayon dahil naka-ngiti ito sa'kin. "You know what? Meron na tayong magiging spy." he smirk, bago ibinaba ang cellphone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
175.2K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
13.3K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.4K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
31.1K
bc

Dangerous Spy

read
301.6K
bc

YOU'RE MINE

read
895.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook