Chapter 2 Jella's POV.

1410 Words
"Hoo! Come on besty," excited na turan ni Rina, nang makapasok kami sa loob ng bar. Halos madapa naman ako, dahil sa pagkakahila niya sakin. "Hi, guys!" bati ni, Rina, sa mga kaklase namin. Nauna na pala sila dito at tila mga lasing na din. Halos sabay silang tumingin sa pag-dating namin. "Hoy! Kayong dalawa ah! Kanina pa namin kayo hinihintay," pasigaw na sabi ni Zarine. Mapupungay na ang mga mata niya at halatang may tama na ito ng espirito ng alak. "May dinaanan pa kasi kami. Tsaka huwag kang mag alala, dahil sasamahan namin kayong mag-walwal Hangang umaga! Cheers!" saad ni Rina. sabay-sabay nilang sinigaw at tinaas ang mga hawak na bote. Napailing nalang ako, habang sinisimsim ang basong may tequila. Alas-dose na ng madaling-araw. nahirapan pa akong mag paalam kay Mommy, kanina. Kaya hinintay ko munang pumasok sila sa silid bago ako umalis ng bahay. Dapat kahapon pa namin ito ginawa pagkatapos ng Graduation. Pero hindi natuloy dahil may kanya-kanyang celebration ang naganap. "Jell! Tahimik ka yata?" tanong ni Paolo, na isa sa mga kaklase namin. Tumabi siya sa'kin, habang bumubuga ng usok ng sigarilyo. Naningkit ang mga mata ko nang tumama ang usok sa mukha ko. Ngunit kinalma ko ang sarili at isinantabi ang pag-kairita. Tumayo ako at umalis sa kanilang harapan. "Oh! San ka pupunta?" agarang tanong ni Paolo. "CR lang." walang ganang tugon ko. Mabilis kong narating ang Comfort room at nag hilamos. May iilang babae din na naririto. Ang iingay nila na halos mapuno ng tawanan ang loob ng banyo. Habang ako nag huhugas ng kamay, ang iba naman sa kanila ay panay retouch ng nabuburang make-up sa mukha. Ako lang yata ang naka-plain black T-shirt at naka-skiny jeans, dahil halos lahat ay maiiksi ang mga damit. At halos kita na ang mga kaluluwa. Kung hindi lang dahil kay Rina, ay hindi ako pupunta sa lugar na ito. Narito na lahat ng kahalayan sa mundo. Live mong makikita ang mga nag hahalikan at halos gumawa na ng bata ang mga ito. Ngunit kahit sanay na ako makakakita ng mga ganoon, ay hindi parin maalis sakin ang mandiri. Bakit hindi nalang sila mag motel?! Matapos kong maghilamos ay agad din akong lumabas ng CR. Biglang umilaw ang cellphone ko, kaya agad ko itong tiningnan. Si Ate Janna, pala. Nag-reply ito sa txt ko kanina. Napangiti lamang ako dahil, hinahayaan niya lamang ako, na maranasan ang lahat ng bagay. Pero syempre, alam ko din ang limitasyon ko. Ayaw ko naman na madisapoint sila sakin. "Aray!" napangiwing sigaw ko. "Naku! Pasensya na!" Hinging dispensa nito sakin. Agad naman niyang pinulot ang tumilapon kong cellphone. "Here-" natigilan ito nang mag tama ang mga mata namin. "Jella?" "K-kuya Xavier." biglang umamo ang mukha ko mula sa pagka busangot nang makilala ang maamong mukha nito. Ang ultimate crush ko. "Anong ginagawa mo dito? Si Rina, ba kasama mo?" "O-opo. Sa katunayan nga niyan, kadarating lang namin." "Ganun ba? Bakit di nalang kayo sumabay sa'min?" "Nakakahiya naman po kuya, tsaka kasama namin ang mga ka-klase namin." nakangiting saad ko. Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti habanh kausap siya. "I see. But you two, need to be careful. Hmm?" "Naman kuya." "Na, I gota go." wika niya ng naka ngiti. Tumango lamang ako at nginitian na din siya. Sinundan ko lamang ng tingin ang pag layo niya, Bago ko hinakbang ang mga paa. Pagkarating ko sa pwesto namin, ay wala na sila Rina. Pabagsak akong umupo sa couch habang hinahanap ng mga mata ko ang mga ito. At hindi pa man tumagal, ay natanaw ko na agad sila na napapatalon pa sa gitna ng dancefloor. Napailing nalang ako nang ibalik ang tingin sa gitna ng mesa. Natukso akong mag salin sa baso ng nakakalasing na inumin. Habang sinisimsim ko ang baso ay nahagip ng mga mata ko ang dalawang magkapares. Bahagyang siningkit ko ang mga mata upang kilalanin ang mga ito. I knew it! Mga malalanding ito, kahit saan ba naman? Biglang nanlaki ang mga mata ko nang biglang sinampal ng babae ang kasamang lalaki, at mabilis na umalis sa tabi niya at humakbang palabas ng bar. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. O dapat at tama lamang sa kanya 'yon. O, may gana pang ngumisi ang loko. Sinasayang niya lamang ang itsurang meron siya. Instead na gwapo, pumapangit tuloy siya. Halatang manloloko. "Jell, lets go. ." halos pasigaw na sabi ni Rina, sa likuran ko. Kaya halos mabali ang leeg ko nang lingunin siya. May kasama siyang lalaki na kung makapulupot sa bewang ng kaybigan ko, ay akala mo maagaw ng iba. 'Teka? Sino ba itong kasama niya? Paano kung makita siya ni kuya Xavier?' "Lets go babe!?" Halos idikit na nito ang labi sa mukha ni Rina nang sabihin ito. Babe? Agad-agad? Tila kinikilig naman itong Rina. "Jell, sunod ka ha!?" "But, Rina-" diko natuloy ang sasabihin nang bigla siyang hinila ng lalaki patungo sa gitna ng dance floor. Dismayang binalik ko sa mesa ang paningin. Umandar nanaman ang pagka wild ng kaybigan kong iyon. Binalik ko ang tingin sa pwesto nila kuya Xavier. Nakita kong tahimik yung kuya Marc, na sinsabi ni Rina na Crush niya. Nakaharap ito sa screen ng cellphone at nag titipa. Tumatama sa mukha niya ang sinag na nag mula sa cellphone, kaya hindi ko namamalayan na nakatitig na pala ako mukha niya. Na kahit distansya ang pagitan ng pwesto namin, ay malinaw ko parin nakikita ang hugis ng mukha niya. Ang mapupungay na mga mata, ang matangos na ilong, at pamatay na biloy. Na siguradong ito ang aset niya para sa mga babaeng mababaw ang kiliti. Napasimangot ako sa naisip. Oo gwapo siya pero isa ako sa mga hinding-hindi mahuhulog sa karisma niya. *** "Sabi ni, Manang, inumaga ka daw ng uwi?" napahinto ako sa pag subo ng pagkain nang dumating si ate Janna, dito sa veranda. "Sorry ate, sa bahay na ako nila Rina nagpalipas." "Hinahanap ka ni daddy, kanina. Sabi ko natutulog ka pa. Kaya ayun kakausapin ka nalang niya pag uwi nila." Namilog ang mga mata ko, nang bangitin niya 'yon, "Bakit, nasaan ba sila?" "Wag ka ng magtanong, kumain ka nalang diyan." Saad niya bago ako tinalikuran. Grabe siya, binitin pa ako dun. Bumalik ako sa harap ng pagkain at napaisip tungkol sa sinabi ni dad. Hangang ngayon ay hindi parin nag sisink in sa utak ko ang nais niya. "Hui! Kanina ka pang tulala diyan. Di mo naman ako pinapakingan." pukaw atensyon ni Rina. Muli akong bumalik dito sa bahay nila, dahil ayokong mag mukmok sa bahay. "Pasensya na, Rina. Ano nga yung sinabi mo?" "Hmm! Uulitin ko na naman?" Pairap niyang sabi. "Si Geof, ang gwapo niya at napaka gentle men. ." Kinikilig niyang dugtong. Napa-ngiti na lamang ako. Mukhang nakapag move on na siya kay Marc. Ugh! Naalala ko na naman yung lalaking 'yon! "Siya nga pala beshy, anong plano mo ngayong tapos na tayo?" Tipid akong ngumiti bago tumugon, "Hindi ko alam, Rina." "Oi. . Bago yun ah, nilalagnat ka ba?" agad niyang sinapo-sapo ang noo ko, kaya naitaas ko ng bahagya ang isang kilay. "O, wala naman!? Wala ata sa bokabolaryo mo ang wala lagi sa plano, lahat ata ng bagay sayo ay may plan A. Plan B. O di kaya plan C." aniya. "Ikaw ba. Rina. Gagawin mo ba lahat ng gusto ng parents mo, para humanga sila sayo?'' "hmm. It depends, if I'm not happy those things that they want for me, siguro hindi ko, sila susundin. I always follow my dreams, and my happines.'' napa-buntong hininga nalang ako. Magka-iba nga naman ang mga tao. nakaka-ingit si Rina. "Bakit beshy? ano ba ang gumugulo sa isip mo? " "Wala naman. Siguro susundin ko muna ang gusto nila, tsaka nalang ang sariling pangarap ko sa buhay." "So ano nga iyon?" Pangu-ngulit niya. Pamilya ko lamang ang nakaka alam sa gagawin ko. Nais ko mang ibahagi sa sa kanya, ngunit hindi pwede. "Hmm, aalis ako p-patungong Italy. Yun kasi ang gusto ni, dad." saad ko habang naka-yuko. ''Italy? ano namang gagawin mo dun?" halos lumuwa ang mga mata niya, dahil alam niyang ayoko sa lugar na 'yon. ''Basta, Rina. kahit anong mangyari, bestfriend parin kita ha?" "Ano ba ang pinag-sasabi mo?! Para ka namang may gagawing krimen sa tono ng pananalita mo." Inabot ko ang dalawang kamay niya, na tila kinabigla niya, "Basta pangako mo sa'kin?!" "Oo naman. Kahit anong mangyari, basta huwag mo lang susulutin ang boyfriend ko!" sabay kaming nag-tawanan sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD