"Hali ka Ineng, ano nga ba ang pangalan mo? " maligalig na tanong ng Mayordoma, sa'kin.
"Je- ahm, Ella.. Ella, po ang pangalan ko." utal na tugon ko.
Napa-titig ako sa masayahing mukha niya, Parang nakakatakot ang mag sinungaling. Pero nandito ako para sa isang mission. Babalewalain ko muna ang lahat. Isasantabi ko muna ang pagiging mabait sa ibang tao.
"Ang ganda ng pangalan mo. Ako nga pala si, Ason, Manang ang tawag nilang lahat sakin, dito Kaya tawagin mo nalang akong Manang," wika nito, bago tuluyang pumasok sa isang maliit na kwarto.
"O! Ella, dito ang kwarto mo. Sa katabi naman ang kwarto ko. Dito kasi ang kwarto ni Suseth, ewan ko ba dun, bigla-bigla nalang umalis." inilapag nito ang bag ko na may lamang damit na binili pa sa bangketa.
"O sya, ikaw na ang bahala dito. Pag-katapos mo d'yan. Sumunod kana sa kusina at ipakilala kita sa mga kasamahan natin," dag-dag pa ni Manang.
Ngumiti muna ito bago lumabas ng magiging kwarto ko. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. Maliit lamang ito, ngunit komportable naman, may single bed, at eletricfan. Agad kong kinuha ang bag, at kinuha ang black earpiece bluetooth at kinabit sa tainga. Dahil ano mang oras, ay tatawagan ako ni Dad. Tinakpan ko lamang ito ng buhok upang hindi nila mapansin.
Dalawang buwan na ang nakaka-lipas mula ng maka-usap ko si Dad. For the firstime, he treat me well. Naramdaman ko ang pagiging especial sa mga panahong iyon dahil nasa akin ang kanyang atensyon, na labis kong inasam-asam mula noon.
Habang inaayos ko ang mga gamit ay biglang sumagi sa isip ko ang pag-uusap namin ni dad, two months ago.
"Jella, anak!? Come." mahinahon niyang saad, nang makita ako.
"Y_yes Dad?" kinakabahan kong wika, ng makalapit ako sakanya.
"I need you Anak." derechang lintaya niya.
"I_I dont understand Dad," naguguluhang tanong ko.
"Mahal mo ang pamilya natin diba?"
Tumango-tango ako sa tanong nito.
"Now, we need your help," He said.
"What was that, Dad?" kumunot ng bahagya ang noo ko.
"Kaylangan namin ng espiya sa loob ng bahay ng mga Del mundo. Ikaw, ikaw lamang ang makakagawa nun." wala akong nasagot kundi ang mawindang sa paki-usap niya. Espiya?
Dito ko nalaman, na may pinapatakbong organisasyon si Dad. Isa na ang mga ilegal na pag bebenta ng baril na labag sa batas. At alam ko na ngayon ang meron sa pamilya namin.
Nang malaman ni Mommy at Ate, ang plano ni Dad, ayaw nilang pumayag. Natatakot silang mapahamak ako. But Dad insist.
"Dad, seryoso po ba kayo? Dad, walang alam si Jella, sa ganitong pamamalakad, hindi po ba kayo nababahala?" saad ni Ate. bakas ang pag-aalala niya.
"Shut up! Janna! Alam ko ang ginagawa ko, kaya huwag mo akong pangaralan!" For yhe first time nakita kong pag-taasan ng boses ni Dad, si Ate.
"Pero, Ramon... baka ikapahamak ng anak natin 'yan?!"
"Manahimik nga kayo? Puro kayo sat-sat. Kayo ang hindi nag-iisip! Sa tingin niyo ba, hindi ko pinag-aralan ang bagay na 'yan?!" salubong ang kilay ni, Dad. Habang sinasabi ito sa harap nila, Ate at Mommy.
I jumped into a training. In my first week, I couldn’t move my body parts, due to the intense training I had to do.
I learned to use a gun, and how to use any self defense, which I will need in case I get caught. Hindi naging madali ang pag-sasanay na ginawa ko. Hindi ko aakalain na isa palang buwis buhay ang pagiging Espiya. Buo na ang loob ko na gampanan ang isang misyon na binigay ni, Dad, sakin. Alam ko, na kapag mag-tatagumpay ako, sa misyong ito, ay mababago ko na ng tuluyan ang pag-tingin ni Daddy, sa'kin, bilang anak.
"Ella... Ella, tapos ka na ba?" napa-mulagat ako ng katukin ni Manang Ason, ang pinto.
"Opo, lalabas na po ako." mabilis akong tumayo at humakbang palabas ng kwarto.
"Manang," naka-ngiti kong turan pag-bukas ng pinto.
"Halika na. At mamaya-maya darating na sila Senyora," aniya. Agad nitong inabot ang kamay ko at akay habang nag lalalad kami.
"Napaka-lambot naman ng kamay mo Iha. parang kamay ng mayayaman na ubod sa lambot." ramdam ko pa ang pag pisil nito sa kamay ko. Nais ko sana hilain ang kamay, pero baka kung anong isipin nito, kaya hinayaan ko nalang.
Nang marating namin ang loob ng bahay, ay pasimple kong ginala ang paningin sa kabuuan. Kumbaga bago sakin ang maka-kita ng magarang bahay.
"Ang laki naman po ng bahay. Nag kikita-kita paba sila dito?"
Tumawa siya, nang lumingon sa'kin.
"Naku, para kang yung naunang kasambahay, ganun na ganun ang sinabi. Nag-kikita naman sila, pero madalang laang sila dito. Alam mo na puro busy ang mga boss natin."
Tumango lamang ako.
"Lalo na ngayon, at malapit na ang eleksyon lalo silang busy," dag-dag pa niya.
"Ganun po ba? si Gov. Lagi bang umuuwi?"
"Ala eh?! Kilala mo si Gov?" tila ba nagtataka ang tono ng pananalita niya. Kaya kunwaring kilalang-kilala ko si Gov.
"Ah, eh. Opo! Lagi kong nakikita sa mga news."
"Sabagay, sino ba naman ang hindi makakilala sa isang napaka-bait na Gobernador natin-"
"Mabait?"
"Aba'y oo! Mabait at matapang! Lahat ng mga sumusuway, hindi niya pinapalagpas!"
Hindi na ako muling kumibo, at baka mahahalata na ako nito. Unang araw ko pa lamang sa bahay ng mga Del mundo. Dapat magawa ko ng maayos ang mission ko, dahil wala akong balak na mag tagal dito.
"O, Ella." mabilis kong nilingon si Manang. Hawak-hawak nito ang kubyertos at inilapag sa pingang may lamang pag kain na nasa mesa.
"Kumain ka muna, bago mag umpisa sa trabaho." dag-dag pa niya.
"Sige po, salamat." tugon ko. Lumapit ako sa mesa at kinain ang hinanda niya.
Matapos akong kumain, ay agad tinuro sakin ang mga gagawin ko. Kahit nahihirapan ako, pero hindi ko ito pinapahalata. Tulad ng paglilinis, pag aayos ng mga gamit sa loob ng bahay.
Sumapit ang dilim, ay naka-handa na ang mesa, para sa hapunan ng mga amo namin. Sabi ng isang kasambahay na si Lucile, ay dumating na daw ang mag asawang Del mundo.
"Ella, ihanda mo nga ang tea na iinumin ni Gov. Mamaya pag katapos n'yang kumain, Ibigay mo ang teapot na nag lalaman ng tea." wika ni Manang. Tumango-tango lamang ako dito habang inilalapag ang pitsel sa mesa na may lamang inuming tubig.
"Magandang gabi Senyora." Mabilis akong lumingon sa bungad ng pinto nitong malaking dinning.
"Magandang gabi sa inyo. Ason, s'ya na ba ang bagong kasama natin dito?"
Napalunok ako ng laway ng ngitian ako nito. Habang si Gov ay dere-deretso sa pag upo sa harap ng mesa.
"Opo, Senyora." sagot ni Manang.
Ngumiti ito saakin, "Welcome home iha. Anong pangalan mo?"
Pinilit kong maging pormal upang hindi mabulol, "Ella, po." iksing tugon ko.
"Nice name." wika niya, tsaka umupo sa pwesto At tahimik na nag sandok ng pagkain. Napaka-bata ng itsura nito. Balingkinitan, makinis at singkit ang mga mata. Mukhang mabait. Pero ang asawa nito, di man lang ako tinapunan ng tingin. Pero kukunin ko ang loob nila. Ito yung turo ni Dad, upang mabilis nilang makagat ang pain.
Tumungo na ako sa kusina upang ihanda ang tea na sinasabi ni Manang.
"Ella, malapit ng matapos si Gov. Ihanda mo na tea." napalingon ako ng dumating si Manang.
"Opo, sinasalin ko na sa pot. "
Maya-maya pa ay, bit-bit ko na ang golden tray na may mga isang tasa at tea pot. Umuusok-usok pa ito ng mailapag ko sa tabi ni Gov. Ihahakbang ko na sana ang mga paa patungo sa kusina, ngunit natigil ito ng mag salita si Gov.
"Simula nang umuwi yang batang 'yan dito sa Pilipinas, ay puro barkada na ang inaatupag. Paano s'ya makikilala ng mga tao, kung puro nalang night bar ang pinupuntahan!" kunot-noong turan ni Gov.
"Hon, hayaan na muna natin, besides, pumayag naman na s'ya na pumalit sa pwesto ko," wika ni Senyora. Napaka lambing ng boses niya.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila. Ang importante may nalaman agad ako, sa unang araw ko dito. Mabilis kong tinungo ang kusina at inilapag ang tray sa mesa. Walang tao dito, kaya mabilis akong lumabas ng kusina at tumungo sa likod ng bahay. Madilim dito at tanging mga kulig-lig lamang ang maririnig. Agad kong kinuha sa bulsa ang de keypad na cellphone at tinawagan si Daddy.
"Hello Dad?"
"Jella, how was your day in that house?" malumanay ang boses nito.
"Dad. Nandito ngayon ang mag-asawa"
"Then?"
"Narinig ko lang po, na may papalit sa pwesto ni Mrs. Del mundo."
"Really? Oh! Good to hear that news. Ano pa?"
"W_wala na po."
"Sa susunod na mag babalita ka, kumpletuhin mo! Hindi mo man lang inalam kung sino?!" tila kinabahan ako sa tono ng pananalita nito.
"I'm sorry Dad,"
Mabilis nitong pinatay ang linya. Napa buntong hininga na lamang ako ng muling binalik ang cellphone sa bulsa ng saya ko. Oo nga naman. Magbabalita nalang hindi pa kumpleto ang mga detalye.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Nasa kusina si Manang nang datnan ko ito, nag luluto, tila may piniprito.
"O, Ella. Ilagay mo nga are sa mesa," inabot niya sakin ang pingan na may lamang mga pritong hamon at hotdog.
"Sige po, Manang." wika ko.
Nang mailapag ko ang ulam sa mesa ay bumalik ako sa kusina.
"Ella, oo nga pala. Ikaw na laang ang mag timpla ng kape ni Gov. Dalawang kutsaritang kape laang ang ilagay mo walang asukal." utos ni Manang na agad kong sinunod.
"Good morning, Ason." wika ni Senyora. Marahan akong lumingon. May inabot ito sa hanging cabinet.
"Abay, magandang umaga Senyora." ganti ni Manang.
"Ang alaga mo ba, umuwi kagabi?"
Napa-kunot ang noo ko sa sinabi ni Senyora. Alaga? Sino? Wala namang nababangit si Manang, na may inaalagaan s'ya. Tinapos ko na ang pag titimpla, ngunit patuloy parin ako sa pakikinig.
"Oho. Kaya lang lasing nanaman," untag ni Manang. Lasing? Lalaki ang alaga n'ya? Dinala ko na sa dining ang tasa ng kape.
"I told you. Paano nalang kapag naupo na 'yan sa pwesto? I don't want to say this, Pero Mapapahiya tayo!" galit na turan ni Gov. Hindi na muling nag salita si Manang, at tila umiwas ito. Kung ganun, anak nila ang papalit sa pwesto ni Senyora.
Humakbang palapit sa dining si Senyora at umupo ito sa tabi ni Gov. "Hon, pag sasabihan ko,"
Umiling-iling lamang si Gov. Habang ngumunguya ng pagkain.
Tutungo na sana ako sa kusina, ngunit natuod ako sa kinatatayuan ng makita ang isang bulto ng matipunong lalaki.
Bahagyang naidilat ko ang mga mata at kung may anong mga daga na nag uunahan sa dib-dib ko.
"Good morning!! Hi Mommy, Dad!"
Humalik ito sa pisngi ni Senyora, pagkatapos, humila ito ng upuan at umupo. Napalunok ako ng laway at mabilis na tumalikod.
"Wait!"
Tumigil ako sa pag hakbang nang mag salita ito. Teka? Ako ba ang sinabihan niya?
"Hey?!" Muli itong nag salita.
"Marco, she's new here, her name is Ella."
Nalaki ang mga mata ko nang bangitin ni Senyora ang pangalan ko.
ahan-dahan akong humarap habang naka-yuko. Marahan kong inangat ang mukha, kung kaya't agad nag tama ang mga tingin namin.
"Oh, I'm sorry. Pwede mo ba akong timplahan ng kape?" utos niya.
Tango lamang ang sinagot ko sakanya, at mabilis na tinungo ang kusina.
Hindi maari, s'ya yun eh, ang kaybigan ni kuya Xavier. Ang Lalaki sa banyo nila Rina..
Sana lang hindi mapad-pad dito si Kuya Xavier. Kundi hindi ko magawa ang mga plano.
"M_manang, pwede po bang, kayo nalang ang magtimpla nga kape ni Sir M_Marco? masakit na po kasi ang t'yan ko!" pag-sisinungaling ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ito, at mabilis akong kumaripas.