"Hay naku, batang ito."
Umili-iling pa si Manag ng maabutan ko sa kusina.
"Why, Manang?"
Tila gulat ito ng lumingon, "Makoy! nand'yan ka pala. Sandali, titimplahin ko muna ang kape mo."
"Where is She?"
"Sino?"
"Ella?? The new Maid here. S'ya ang inutusan kong mag timpla, at bakit kayo ang gagawa?"
"Ah, si Ella. Masakit daw ang t'yan, kaya nag mamadaling nag punta sa banyo. hayaan mo na. O, kape mo," inabot niya, ang puting tasa, na umuusok-usok pa.
"Ikaw ha. sobrang lasing mo kagabi. Nakung bata ka, Masama 'yan sa kalusugan mo." dag-dag pa nito.
Napangiti ako habang inabot ang kape. "Opo, Manang. Minsan lang naman eh,"
"Kahit na. O sya, Kumain kana dun, sabayan mo ang Mommy at Daddy mo."
"Later, Manang. Sya nga po pala, yung kwarto ko medyo magulo na eh-"
"Wag kang mag alala, ipapalinis ko nalang mamaya," agarang tugon niya.
I sipped the coffee, and I went back to my room. Kanina ko pa kasi napapansin si Dad, na tahimik. I know, badtrip nanaman 'yun sa'kin.
Kaya mas mabuti ng umiwas muna ako. Lalamig din temparatura nun mamaya.
Nandito ako ngayon sa bahay namin, sa Lemery. Naki-usap si Mom na dito muna ako habang inaayos ko ang pag-takbo bilang Mayor. Oras na para mag-retiro si Mommy, kaya ako ang napiling papalit sa pwesto nito.
Nang makapasok ako sa kwarto, ay agad kong hinubad ang pang itaas na damit, at hinagis lamang ito kung saan. Tinungo ko ang pinto, kung saan naroroon ang mini gym. I have to sweat and to get rid of the spirit of alcohol in my body.
The first thing I would do, was to run on the treadmill. I ran about three miles, and it was about 40 minutes.
Ramdam ko na ang tagaktak ng pawis. mula sa noo, hangang sa dib-dib ko, ay dumadaloy ang gabutil na pawis.
Huminto ako sa pag takbo. At saglit na nag pahinga. Hingal aso akong naka-tayo, at naka-pamewang.
Matapos ang isang minuto, ay agad hinanap ng mata ko ang tuwalya. Napatapik ako sa noo ng makalimutan ko pala itong bit-bitin kanina. Kaya nagpasya na akong lumabas at tunguhin ang banyo, upang maligo na.
Pag-bukas ko ng pinto, ay agad tumambad ang pigura ng isang babae. Nagsalubong naman ang kilay ko nang makita ang hinahawakan nito.
"Hey! What are you doing?!"
"Ah!" Tila naka kita ito ng multo ng makita ako. kita ko pa ang pag galaw ng lalamunan niya dahil sa pag lunok. unti-unting bumababa ang tingin nito patungo sa hubad kong katawan.
"Are you done checking on me??" Pinanlisikan ko pa ito ng mata.
"I said, what are you doing!?"
"N_naglilinis?" nauutal na tugon nito.
"Bakit hawak mo yang folder?!" turo ko sa hawak niya.
Bahagyang bumuka ang bibig nito, "I_inaayos ko lang po Sir."
"Then put it back in my drawer!" Halos pasigaw na turan ko.
Marahan nitong binalik sa loob ng drawer. Muli siyang humarap, ngunit nasa ibang direction ang mga tingin. I feel odd to this young girl.
"Bilisan mo na ang pag-lilinis." wika ko bago tinungo ang banyo. Hindi ko na ito tinapunan ng tingin, at minadali ko na ang pag-gayak.
Nang matapos na akong maligo, ay minabuti ko ng lumabas ng banyo. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid, ngunit wala na siya. Maayos na ang buong kwarto at wala na ang mga kalat. Napa-tingin ako sa drawer, kaagad ko itong nilapitan, at kinuha ang white folder na hawak n'ya kanina.
This is a confidential papers, na iniingatan ko. Kaya walang pwedeng makaka-alam nito.
"Marco.."
Napalingon ako sa pinto ng may kumatok. Mabilis kong ibinalik sa loob ng drawer ang hawak na puting folder. At pagkatapos ay binuksan ko ang pinto.
"Yes, Mom?"
"Bilisan mo, at naiinip na ang Daddy mo." malambing na wika ni Mommy.
"Yeah, magbibihis na po."
"Sige, bilisan mo. Sa sasakyan na kami maghihintay." ngumiti ito bago umalis sa tapat ng pinto.
Maingat kong sinara ang pinto, at mabilis na nagbihis.
***
"The campaign will start in a few days. so prepare yourself." Dad said in a calm facial expression.
Lumingon si Mom, sa gawi ko at tipid na ngumiti.
"Yes Dad, I will."
Patungo kami ngayon sa City Clerk office, to obtain a petition for candidacy.
Ilang sandali pa ay, narating na namin ito.
"Good day, Gov." bati ng isang kaybigan ni Dad. Nakipag shake hands pa ito, at binati din si Mom.
"Mayor... how are you?"
"I'm good, Mr Crisostomo." Mom's gladly answered.
" Oh! Our Mr. Mayor to be! Kamusta? Mukang sure panalo kana n'yan."
" Salamat" tipid kong tugon. Tumawa ito ng bahagya.
"Anyway, maiwan muna namin kayo." paalam ni Mommy. "Let's go, Son."
Tinungo namin ang isang opisina, kung saan ang clerk office.
"Good morning, Mayor.." bati ng isang babae na naka corporate attire.
"Alexa, ikaw na ang bahala sa anak ko. Paki bigay na lamang ang mga kaylangang form na pipirmahan n'ya."
"Yes, Mayor. " sagot nito. Ngunit ang mga tingin niya ay naka tuon sa akin.
Humarap si Mommy sa'kin, kaya tila natauham itong Babaeng nasa harap ko, " Son. After this, you have an appointment to the tresurer and other committee members, okay? "
"Sure, Mom."
"Hindi kana namin mahihintay, dahil may pupuntahan pa kami ng Daddy mo." dag-dag pa ni Mommy.
"Okay, Mom. Don't worry about me, I can handle all of this."
"Si Manong Robert, nga pala ang susundo sayo. Sige na, at baka mahuhuli kami ng Dad, mo."
Sinundan ko lamang ng tingin si Mommy hangang sa makalabas ng pinto.
"Sir, ito po lahat ang kaylangan nyong fill upon, at pipirmahan-"
"What's your name?!"
"Huh?"
"Kaylangan ko pa bang ulitin?"
"A_alexa" utal na tugon nito.
I smirked, "Alexa.. what a sexy name. "
Humakbang ako palapit sakanya, tila papel na sa kaputian ang kutis nito.
At halos puputok na ang labi niya, sa sobrang pula. Bigla namang namula ang mag kabilaang pisngi niya, ng tuluyan akong makalapit.
Unti-unti kong dinukwang ang mukha, sa mukha niya. Tila naka-kita ito ng multo, at halos matuod na sa kinatatayuan.
Napa-igtad siya nang hawakan ko ang kamay, na hawak-hawak ang mga form.
"Kukunin ko lang ang ito." pabulong na wika ko.
Mabilis s'yang umiwas, at nag ayos ng sarili. I smirk like a Jerk.
Matapos ang petition ko, pati ang pag file ng mga documents ay lumabas na ako sa naturang office. At tulad ng sinabi ni Mommy, ay makikipag kita ako sa Tresurer at commitee members.
"Sir Marco!" si Manong Robert. Nakatayo sa tapat ng pinto ng sasakyan, at kumakaway.
Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan niya.
"Manong, hindi pa ako tapos. Hintayin nyo nalang po ako dito."
"Sige po, Sir."
In my peripheral vision, may isang tao sa loob ng kotse. Out of my curiosity, ay ibinaba ko ang tingin sa loob ng kotse. Halos hindi ito maka-tingin ng direcho sa'kin.
"What she's doing here, Manong?!"
"Ah, Sir Marco. Pinasabay po s'ya ni Ason. Baka daw po maligaw sa pupuntahan."
Naningkit ang mga mata ko sa narinig, "What?! Ah! It Doesn't matter, sige na babalik muna ako sa loob."
Tinalikuran ko na ito at mabilis na hinakbang ang mga paa, patungo sa loob ng city clerk office.
Hindi ko alam, kung bakit iba ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ang batang 'yon.
"Good morning, Mr. Delmundo!"
Bati sa'kin ng mga taong naririto, pag pasok ko sa isang conference room.
"Can We start?" wika ko.
Umupo na ako sa harap ng mahabang mesa. Kaharap ang mga commitee members.
"So, kayo ang magiging campaign staff ko. I hope we can do the campaigning well."
"Makakaasa ka Mr. Delmundo." aniya ni Mr. Suarez.
"Good! Kayo na ang bahala para sa panga-ngampanya natin sa susunod na lingo."
Hindi ko na kailangang isa-isahin ang mga gagawin nila, dahil alam na nila ang dapat ihanda. Sila din ang mga staff ni Mom, sa mga nag daang eleksyon kaya kabisa na nila ang pamamalakad.
"Manong, gusto ko ng umuwi," wika ko, habang niluluwangan ang necktie.
"Sige ho, Sir Marco."
Pina-andar na nito ang makina ng sasakyan, ngunit lumingon ito sa likuran.
"Ah, Ella. Balik muna tayo sa Mansion-" hindi natapos ni, Manong ang sasabihin nang mangatwiran ang Ella na ito.
"Pero, Manong. Kaylangan na po kasi ni Manang Ason-"
"Fine! Sige na Manong." biglang uminit ang ulo ko sa pagsasalita niya.
I don't even know, kung bakit mabigat ang loob ko sa Babaeng ito. Mula ng hawakan n'ya ang importanteng papeles sa drawer ko, pakiramdam ko may kaka-iba sakanya. Ang tanga ko naman kasi, kung bakit hindi ko nilock 'yun.
Wala pang sampong minuto, ay hininto na ni Manong, ang sasakyan sa harap ng isang Super Market.
"Ella, bilisan mo lang ha?"
"Opo, Manong." tugon niya bago lumabas ng sasakyan.
Marahang napa-lingon ako ng dumaan s'ya sa sa tapat ng kinauupuan ko. Tila bumagal ang takbo ng paligid, ng masilayan ko ang mukha niya, Ang mahahabang pilik-mata, na bumagay sa bilugang mga mata. At ang mala hugis puso na mapupulang labi nito, na tila may nais sabihin.
Binaling ko ang mga tingin sa ibang direksyon. Nang dumukwang ito sa bintana.
Biglang bumukas ito, ng buksan ni Manong, kaya nasamyo ko ang amoy pabango niya.
"Sir? M_may ipabibili po ba kayo?"
"Nothing." walang emosyon kong tugon.
"Sige na, Ella. Bilisan mo na." utos ni Manong, kaya umalis na ito. Ni hindi ko na tiningnan ang pag layo n'ya.
Why would I feel like this to her?
It something strange. but she's not my type. Not her!
****
"Marc!! Hey! Come join Us!"
Trisha yeld at me, nang makita akong papasok sa maingay na Bar na ito.
"Marco! Our future Mayor of Lemery!"
"Shut up!" saway ko kay Xavier. Mukhang may tama na ito base sa kinikilos.
Abot tenga ang halakhak n'ya nang iabot sa'kin ang kopita na nag lalaman ng matapang na alak.
Mabilis ko itong nilagok. Tila malukot ang mukha ko sa kakaibang lasa.
"What the f*ck!? ano 'to?!"
"Its a hell wine. Ano ka ba masarap naman diba?" Trisha give me a little smirk.
Her lips, remind me of that young Lady. Napaiwas ako ng tingin kay Trisha, at muling sinimsim ang natitirang alak sa baso.
"Xavier, ikaw? Kamusta na yung Crush mong Batang-bata?"
Pangangantyaw ni Tim. Pinipigilan pa ang pagtawa nito.
Napa-titig s'ya kay Tim, "So, anong gusto mong palabasin? Matanda na ako?"
"Oh! calm down Bro, I don't mean it,"
"F*ck! Hindi pa ako matanda!" matigas na tugon ni Xavier.
Pinapanood ko lamang sila, and I don't have an idea kung ano yung topic nila.
"Tama na nga 'yan.. lets continue to drink!" sigaw ni Trisha. Tumayo ito at itinaas ang baso..
"Cheers!!"
Halos matumba na siya dahil sa kalasingan.
Paingay na ng paingay ang loob ng Bar, marami na ring sumasayaw sa dance floor, tila mga naka wala sa hawla ang mga ito kung umindak.
"Marc! Come lets dance!"
"Go ahead Trish, I'm okay here," pikit mata kong tugon. Naka sandal na ang ulo ko sa head rest nitong upuan dahil sa umiikot na ang paningin ko. Naparami na kasi ang ninom ko.
Naidilat ko ang isang mata, dahil sa naririnig kong ungol. Sh*t! Xavier? Napa-bangon ako nang humiga na ang babae sa tabi ko at pumatong itong si Xavier. Wala ng pake-alam ang mga ito..
Pinilit kong tumayo at hinakbang ang mga paa palabas nitong Bar.
Pagewang-gewang man ang lakad ko, ay nagawa ko namang puntahan ang nakaparada kong kotse.
Napasapo ako sa noo, dahil sa sakit ng ulo. Kaylangan ko ng maka-uwi para ipag pahinga ito.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse, ng may isang Lalaking lumapit sa'kin. Madilim sa gawing parte kung saan nakaparada ang kotse ko. Kaya diko makilala ang taong nasa harapan ko.
"Mr. Mayor to be.." naka-ngising wika niya.
Salubong ang kilay ko nang tingnan ito sa mga mata, "Sino ka?"
"Ako nga pala si Taning, ang susundo sayo.."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Yeah.. naka inom ako pero nasa matino parin ang isip ko.
"F*ck you!-" hindi ko natapos ang sasabihin ng tumama sa pisngi ko ang kama-o nito. Halos matumba ako sa lakas ng pagkaka-sapak n'ya.
Binalingan ko ito at gagantihan sana nang may biglang humawak sa braso ko.
Napamulagat ang mata ko ng tutukan ako nito ng baril. Humalakhak naman ang isang Lalaki na sumapak sa'kin. At nakatutok na rin ang baril niya sakin. Napalunok ako at halos matuod ako dahil isang galaw ko lang, tiyak hindi na ako makakauwi ng buhay.
"Mr. Mayor to be.. wag ka ng pumalag pa, kung ayaw mong sasabog ang bungo mo!"
Tila nawala ang kalasingan ko sa galit na nararamdaman! Halos mag dikit na ang mga kilay ko dahil hindi ko man lang magawang gantihan sila.
Tinatanya ko ang pagitan naming tatlo, at pinag-aaralan ko kung sino sa kanila ang uunahin ko. Tanging mga mata ko na lang ang gumagalaw upang makagawa ng paraan.
Tila mas mabilis pa sa alas-kwatro akong nakawala mula sa pagkakahawak nila. Naging alerto ang kilos ko, kaya isa-isa ko silang tinamaan ng kamao ko. Ngunit di ako nakaligtas ng puk-pukin ako ng baril sa noo. Nandilim ang paningin ko, at tila ba namigat ang pakiramdam. Ilang saglit pa ay napahandusay na ako sa lupa.
umalingaw-ngaw ang palitan ng putok ng baril. Hindi ko ba alam kung saan nang gagaling ang gumaganti ng putok.
Maya-maya pa ay may narinig akong sumigaw,
"R-rowel May tama ako! Tulungan mo 'ko!"
"Pasensya na pare!" Tugon nito. At pinasibad ang sasakyan.
Ilang saglit pa ay muling may putok ng baril "R--owe-"
Pinikit ko ang mga mata, nang may taong nag dahan-dahan sa pag hakbang. Naka-tayo ito sa tapat ko, at bahagyang lumapit. Nag kunwari akong walang malay. Ilang saglit pa ay naramdaman kong sinalat nito ang pulso ko sa leeg. Bahagya kong dinilat ng ka-onti ang isang mata ko upang makita ito, ngunit diko mamukhaan dahil naka maskara ito. Suot nito ang black longsleve at itim na pantalon.
Bigla itong tumayo, and run away when it heard the siren of the Police car.
Mabilis sinundan ng mga mata ko ang
Pag takbo nito ngunit para itong bula na biglang nawala.