"Ella?"
"M_manang." gulat na hinarap ko ito.
"O, ala-una pa lang ng madaling araw, bakit gising kana?" nagtatakang tanong niya.
"Eh, kasi po. N-nauuhaw po ako.. p-pero pabalik na din ako sa kwarto, Sige ho."
"Sig-" di natuloy ni Manang ang sasabihin. Nabaling ang atensyon namin, ng marinig ang pagtatalo, ng mag-asawang Del mundo.
"I told you! Hindi na mag babago 'yang anak mo!" galit na wika ni Gov.
"Hon, please not now! Kaylangan na natin makarating sa hospital!" naiiyak na tugon ni Senyora.
Mabilis na tinungo ni Manang ang mag-asawa. Kaya sinundan ko siya.
Naa-butan namin silang nag mamadaling bumaba ng hagdan.
"Senyora? Ano pong nangyayari? Sino po ang nahospital?!"
"Manang, kayo na muna ang bahala dito, kaylangan naming puntahan si Marco sa hospital!" nag-aalalang tugon ni Senyora.
"Ano?! Diyos ko.." napatakip ng bibig si manang nang tingnan ko siya.
"Sige na manang kaylangan na naming umalis."
Nag mamadaling umalis ang mag asawa. samantalang si Manang ay hindi mapakali.
"Manang, uminom po muna kayo ng tubig." mabilis akong kumuha ng baso at nagsalin ng maiinom.
"Ito po."
"Salamat, Ella."
"Manang, huminahon po kayo. Hindi maganda ang labis na pag-alala sa inyo."
"Ang batang 'yon, halos ako na nag palaki sakanya, at anak na din ang turing ko. Kaya di mo mailais sakin na mag alala."
"Manang, alam ko po. Ang akin lamang ay di makakabuti ang labis na pag alala. Sigurado naman, hindi pababayaan ng mga doktor si, si Sir Marco."
Halos maiyak ang awra ni manang ng tingnan ako nito. Kaya tipid ko s'yang nginitian. Kahit papano nakinig naman siya.
"Mabuti pa ho, matulog na muna kayo. Mag aalas-dos na. Ako na po ang bahala na mag luto ng agahan mamaya."
"Sige, pupunta na ako sa kwarto ko."
Hinatid ko na siya sa kanyang silid at sinugurado kong maayos siya.
Nang maisara ko ang pinto, tsaka lamang ako naka hinga ng maluwag.
'Buhay s'ya. nakaka-sigurado akong maayos ang kalagayan n'ya'
Sumapit ang bukang liway-way. Ay nakapag luto na ako ng agahan. Hindi na ako nakatulog, sa labis na pag-iisip.
Kaya lang wala pa sila Senyora at Gov. Kaya hindi ko na muna hinanda sa hapag-kainan ang mga nailuto ko.
"Naka-pagluto kana pala?" si Manang, na kakapasok lamang sa kusina.
Hinugasan ko muna ang kawali matapos hugasan. Tsaka ko nilingon si Manang.
"Opo. Di na po kasi ako muling naka-tulog, kaya nag luto nalang po ako."
"Mainam at marunong kang mag luto, pwede ka ng mag asawa." natatawang lintaya nito.
Sabay kaming napa-lingon, nang may bumusina. Tantsa ko nasa garahe lang ito.
"Nand'yan na siguro sila!" nagagalak na wika ni Manang. Mabilis itong humakbang at tinungo ang entrada ng bahay.
"Macoy!! A_anong nangyari sayo?!"
Dinig ko si Manang, mula dito sa kusina. Hindi na ako sumunod, at inayos ko nalang ang mga pinag lutuan ko.
"Ella! Ihanda mo na ang mesa, para makapag almusal na sila," utos ni Manang nang muli siyang bumalik dito sa kusina.
"Manang, hatiran nyo nalang si Marco sa kwarto n'ya." wika ni Senyora. Tumango lamang si Manang. Kumilos na ito at nag hahanda ng makakain ni Sir Marco
Matapos kong ihanda ang lahat ng nailuto ko, ay napag pasyahan ko ng bumalik sa kwarto.
"Ella, dalhin mo ito sa kwarto ni Marco, alalayan mo na din s'ya."
"Ho?" kunot noo kong lintaya.
"Aasekasohin ko pa sila Senyora at Gov. Sige na.. ihatid mo na."
Napa lunok ako ng laway, nang iabot sa'kin ang tray na may pagkain.
Tila may kung anong mga hayop na nag uunahan sa dib-dib ko. Hindi ko mawari ang kabang nararamdaman.
Bawat paghakbang sa hagdan patungo sa ikalawang palapag, ay pabigat ng pabigat ang nga paa ko.
Nakatayo na ako sa tapat ng pinto. Akmang kakatukin ko ito, pero tila naiwan sa ere ang kamao ko, nang marinig ko s'yang may kausap.
"Anong silbi n'yo kung di nyo malaman ang pagka-kilanlan ng taong 'yan! Wala bang cctv, kung saan ako naka park?! F*ck!"
Ilang saglit pa ay tumahimik ang loob.
Tinuloy ko na ang mahinang pag katok ng dalawang beses.
"Come in!" matigas na wika nito.
Nang makapasok ako sa kwarto, ay nakita ko agad siya. Nakatayo at hawak-hawak ang cellphone. Tanging sandong puti, at itim na boxer short lamang ang suot n'ya.
May bandage pa ito sa parte ng noo.
Lalo akong nangatog nang makita niya ako. Salubong ang makakapal na kilay niya. Tila sasakmalin ako ano mang oras dahil sa talim ng titig nito.
"S_sir kumain na po kayo." nauutal kong wika.
Iniwas nito ang tingin at humugot ng malalim ng hininga. Napayuko ako dahil wala akong nakuhang sagot.
"Just put it there." halos pabulong n'yang lintaya.
Agad hinanap ng mga mata ko ang center table, at tinungo ito.
Matapos kong ilapag ang tray ng pagkain, ay tatalikod na sana ako upang lumabas ng kwarto.
"Stay here."
Napamulagat ang mga mata ko sa sinabi nito.
Hindi ko alam ang gagawin, pero pinilit kong ikalma ang sarili.
"M_may ipapagawa po pa ba kayo?"
"Yes. Kaya dito ka muna."
Walang ganang wika niya, habang kinuha ang plato na puro gulay ang laman.
"Hindi na ako nag papunta ng Nurse dito, para linisin ang sugat ko-"
"Pero, hindi po ako marunong,"
Agad na muwestra ko.
"I teach you. Kakain lang ako."
Naiwang nakanganga ang bibig ko. Gusto ko pa sanang tumangi ngunit, sino ba ako para tangihan ang amo.
"Umupo ka kaya muna? Seat.. " turo nito sa isang mahabang sofa. Kaya umupo na ako. Nakatingin lamang ako sa magkasalop ng mga kamay ko. Pakiramdam ko kasi, may mga matang naka tingin sa'kin.
"How old are you?"
"I'm Eighteen years old-" napamulagat muli ang mga mata ko, sa sinagot ko.
"Wow! Fluent, slang english. Nice.. siguro nakapag-aral ka sa magandang skwelahan. Am I correct ?"
"H_hindi po. M_mahilig lang akong mag basa ng dictionary."
"Okay." inilapag nito ang pingan. Inabot nito ang basong may laman na tubig. Napatitig ako sa bawat pag lagok niya. Ngunit bigla ko itong iniwas nang matapos s'ya.
"I'm done. Paki kuha nalang ng medicine kit." Utos niya. Kaya agad akong kumilos. Hinagilap ng mga mata ko kung nasaan ang medicine kit.
"Sa tabi ng closet ko." dag-dag pa niya.
Tinungo ko ang pinto ng closet niya, na narito lamang sa kwarto.
Agad ko namang nakita ito sa itaas ng aparador. Ngunit tila mahihirapan akong abutin ito. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan pero wala akong makitang upuan, na pwedeng patungan. Pero may nakita akong isang maliit na kahon, para bang box ng sapatos pero gawa ito sa kahoy.
Masaya akong kinuha ito, inapakan ko ito pero bitin parin.
Tumingkayad pa ako at Halos pag pawisan na ako. Napangiti ako ng maabot ito na dulo ng daliri ko.
"Konti nalang!" Napakagat labi ako sa gigil na maabot.
"Aahh!" napasigaw ako sa gulat ng may ibang kamay ang umabot dito kaya na out of balance ako, kasabay ng pag bagsak ko ang taong nasa likuran ko. Pumaibabaw ako sa matipunong dib-dib nito. Napayakap pa ito sa'kin kung kaya napasub-sob ang mukha ko sa leeg niya. Amoy na amoy ko pa ang natural na amoy nito.
Napamulagat ang mga mata ko ng may kung anong bagay ang gumalaw sa gintang bahagi ng katawan nito. I know what it is... Mabilis kong inangat ang mukha. napalunok ako ng laway ng makita ang mukha nito.
"Sir Marco?! S-sory po!"
Mabilis akong umalis sa ibabaw niya, at inayos ang sarili. Hindi ko magawang tingnan s'ya, dahil sa hiyang nararamdaman.
"Bilisan mo na."
Nilagpasan ako nito at naunang lumabas ng closet.
Pag labas ko ng closeth, nakita ko itong naka-tayo at naka-pamulsa sa harap ng glass window.
"Pwede ka nang lumabas."
"Sige po." kinuha ko ang tray sa mesa bago lumabas.
Naka hinga ako ng maluwag ng makalabas ako.
****
"Ella? Parang may narinig akong ingay sa loob ng kwarto mo, parang tunog ng cellphone." ani ni Lucille.
"G-ganun ba? B-baka ang tiya ko. Sige puntahan ko muna, importante kasi yun eh."
"Sure! friend, ako na ang bahalang mag hugas n'yan." turo nito sa tray na inilapag ko sa sink.
"Salamat" tipid kong tugon.
Kinakabahan akong tinungo ang kwarto ko. Maingat kong sinara ang pinto, pagka-pasok ko.
Agad kong kinuha ang cellphone sa ilalim ng kama. At oo nga, may sampong miscall na ito.
Lahat ng ito ay galing kay Dad.
Nanginginig ang kamay ko, habang dinadial ang numero ni Dad.
"H_helo Dad.."
"May kinalaman ka ba?!" malamig ang boses nito.
"What do you mean Dad?"
"Bulilyaso ang trabaho ng tauhan natin kagabi, and for the first time! May iba pang kumakalaban sa'tin, bukod sa mga Delmundo!"
"Wala po akong alam.."
"Siguraduhin mo lang!" pinatay na nito ang linya.
Hindi ko napigilan ang pag buhos ng luha ko. Tama pa ba ang ginagawa kong ito? Una pa lang ito, pero palpak na.. paano ko pa mapapahanga si Dad?
"Ella? Ella, matagal ka pa riyan??"
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ang sarili. Muli kong pinasok ang cellphone sa bulsa. and this time naka silent na ito. Pormal kong binuksan ang pinto at nabungaran ko si Lucille.
"Lucille, pasensya kana-"
"Mag bihis kana." naka-simangot niyang lintaya.
"Mag bihis?"
"Isasama ka ni Papa Marco." taas kilay nitong sambit.
"Bilis na! At hinihintay ka n'ya.." dag-dag pa nito.
"Sige, mag papalit lang ako."
Skiny jeans, at plain black t-shirt lamang ang sinuot ko. Tinalian ko lamang ang hangang bewang ng buhok. Ilang saglit pa ay tiningnan ko sa salamin ang itchura ko. 'Pwede na to' ni hindi na ako nag lagay ng kung ano mang colorete sa mukha.
Mabilis kong tinungo ang garahe kung nasaan si Sir Marco. Halos takbuhin ko na ito, upang marating agad.
Nang palapit na ako sa garahe, ay napahinto ako. Tanaw ko s'ya na naka-upo na sa driver seat. Naka-sukbit ang ang braso nito sa bukas na bintana ng kotse.
Humugot ako ang hininga bago hinakbang muli ang mga paa.
Nang maka-lapit ako sa sasakyan nito, ay diko alam kung saan ako uupo.
Tama, sa likod ako uupo. Nakakahiya naman kung sa frontseat pa ako uupo.
Aabutin ko na ang pinto, nang mag salita si Sir Marco.
"Hindi kita pasahero, para d'yan ka umupo!"
Tila na kibot ako sa sinabi niya. Kung ganun, saan ako sasakay? Napalingon ako sa paligid, ngunit walang ibang sasakyan dito dahil halos lahat ginamit na,
"Ano pa ang hinihintay mo d'yan?! Get in.."
"S_saan po Sir?" nalilito kong tanong.
"Tsk! Here. beside me!" turo nito sa katabing upuan. Ngunit ang mga tingin niya ay derecho lamang. Ni hindi ako nito matingnan.
Hindi na ako nag patumpik-tumpik, at sumakay na ako.
Kung kanina ay, naiilang ako. Mag kaiba ngayon. Dahil pinatili ko ang sarili na kumalma.
Yes. This is what i need, upang magawa ko ng maayos ang trabaho. Pagkakataon ko na ito na makakuha pa ng ibang impormasyon.
Pina-andar na niya ang sasakyan at pinasibad.
"Mag seat belt ka." wika niya sa malamig na baritonong boses.
Bakit ganito ang epekto sakin ng boses niya? Tila may kung anong kurot sa puso ko.
"Wear your searbelt. Ano ba?!" ulit nito. Mahinahon ngunit may diin na pagkasabi.
"S-sorry."
"Ayoko sa mga taong laging nag sosorry."
Sinipat ko ito, ngunit agad din inalis ang tingin.
Kinabit ko na ang seatbelt, bago pa ako tuluyang mapagalitan.
Medyo malayo-layo na ang tibakbo ng sasakyan, ang I don't even know kung saan kami pupunta.
Napa tingin ako sa labas ng bintana. Napakunot ang noo ko ng mapansin ang lugar. Labas na ito ng Batangas.
"Where going to Laguna."
Napalingon ako sa kanya, na may pag-alinlangan. Nais ko pa sanang mag tanong, ngunit pinili ko nalang manahimik.
Napalunok ako ng ibaling ang tingin sa harap ng kalsada.
"We're stay there for a night, may bibisitahin lang ako."
Pasado alas-dose na nang marating namin ang lugar. Napatingin ako sa paligid ng bahay na may dalawang palapag. Isa itong kakaibang disensyo
Na hango sa ibang bansa. Matataas na bakod at may mga armadong kalalakihan?
Pinatay na niya, ang makina. Ngunit hindi pa siya bumababa ng sasakyan.
"I don't trust to anyone. Pero sa pag kakataong ito. Kaylangan ko ng isang tao na pwedeng mapagkatiwalaan."
Humarap siya, sa'kin, ngunit ang mga tingin ko ay nasa labas ng sasakyan.
"Kung ano man ang makikita mo ngayon sa loob ng bahay na 'yan, ay sana walang ibang makaka alam."