"One more step, Marcus! Come on! You can do it," masayang wika ko. excited lamang ako sa unang hakbang ng anak ko. Narito kami ngayon sa labas ng bahay. Tinuturuan kong lumakad ng mag-isa si, Marcus. Parang kelan lang na sangol pa siya. Ngayon ay natututo ng tumayo mag-isa. Lumalaki siya, na mas kahawig ang kanyang Mommy, dahilan na hindi siya maalis sa isip ko, kahit isang taon na ang nakakalipas. Araw-araw kong naiisip ang mga nangyari. Mga pangyayari na di inaasahan, tulad ng magkaka-anak kami. "Good job, Marcus!" nabaling ang atensyon ko nang dumating si Salvador. Nilalaro na niya ngayon si Marcus. Tuwang-tuwa ito sa tuwing nakikita ang anak ko na naka upo sa damuhan dito sa may garden. "Mukhang maliliit na ang mga damit mo," saad nito. Lumapit ako, at inayos ang damit ni Marcus